213 total views
Hinimok ni Diocese of Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang mga negosyante na magbahagi ng kanilang natatanggap na biyaya sa mga mahihirap.
Aniya, panahon na upang bigyang atensyon ng business sectors ang mga proyektong makakatulong sa mga mahihirap lalo na sa kanilang pangunahing pangangailangan.
Ipinaliwanag ni Bishop Ongtioco na katuwang ng kaunlaran ng mga negosyo sa bansa ay pagpapahalaga sa mga mahihirap upang mas sumigla ang ekonomiya.
“I thinks it’s about time that we give more attention to the poor. Para matugunan ang kanilang pangangailangan. Kasi kapag umasenso ang poor, aasenso rin ang business. Kasi ang ibang tao akala maganda ang business okay pero they are part of our resources that could contribute to have in a way a better income. Kapag wala masyadong poor maraming nakaka – contribute sa economy,” bahagi ng pahayag ni Bishop Ongtioco sa panayam ng Veritas Patrol.
Nauna nang lumago ng 6.9 porsyento ang ekonomiya ng bansa noong unang tatlong buwan lamang ng 2016.
Ito na ang pinakamabilis na paglago ng ekonomiya mula noong ikalawang bahagi ng 2013.
Muling iginiit ni Pope Francis ang Trickledown Theory na kailangan maramdaman ng mga mahihirap ang kaunlarang pangkalahatan.