Candy giving campaign, isasagawa ng Pro-Life Philippines sa Valentines day

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,824 total views

Magsagawa ng pagkilos na tinaguriang Candy-Giving Campaign ang mga Pro-life Youth upang mapigilan ang paglaganap ng makamundong diwa ng Valentine’s Day sa February 14, 2025.

Ayon kay Pro-life Philippines board member Nirva Delacruz, bilang tugon sa kadalasang pagpapalaganap ng makamundong diwa ng Araw ng mga Puso ay magsasagawa ng ‘candy-condom swap’ ang mga kabataang kinatawan ng iba’t ibang pro-life groups upang maisulong ang paninindigan sa kasagraduhan ng buhay, katawan at kalayaan na ipinagkaloob ng Panginoon sa bawat nilalang.

Bilang tugon sa kadalasang pamamahagi ng mga condom tuwing Araw ng mga Puso ay isasagawa ng mga Pro-life Youth ang pagkikipagpalit ng mga ito para sa mga libreng candy, rosaryo at stickers na mayroong mga pro-chastity messages.

“We think it’s a powerful way of making a stand in a culture that really wants to push other types of beliefs about the human body, love, and sexuality, especially during Valentine’s.” Bahagi ng pahayag ni Delacruz.

Pagbabahagi ni Delacruz, isasagawa ng mga Pro-life Youth Candy-Giving Campaign sa ika-14 ng Pebrero, 2025 sa Dangwa Flower Market sa Maynila kung saan kadalasang namamahagi ang iba’t ibang mga grupo at kumpanya ng condom para sa mga bumibili ng mga bulaklak kasabay ng Valentine’s Day rush na karamihan ay mga kabataan.

Giit ni Delacruz, mahalagang maunawaan ng mga kabataan na kaakibat ng tunay na pag-ibig ang kakayahang makontrol ang sarili mula sa anumang makamundong bagay na isang pagbibigay halaga at respeto sa espesyal na taong kanilang minamahal.

“We discovered that this is where [they] put up stands and hand out condoms to get young people to associate love with being promiscous and sexually active which is actually the opposite. Love means you can control your impulses in the light of wanting what is best for that special person in your life.” Dagdag pa ni Delacruz.

Kaugnay nito, binigyang diin ni Delacruz na nakaugat ang problema ng teenage pregnacies sa bansa sa kahalagahan na mapatatag ang samahan ng pamilyang Pilipino na nagsisilbing unang batayan sa konsepto ng pag-ibig at pagmamahal ng bawat indibidwal lalo’t higit ng mga kabataan.

Paliwanag ni Delacruz, kung maaagang mamumulat ang mga kabataan sa tunay na diwa ng pag-ibig at pagmamahal na pagsasakripisyo at paggalang sa taong minamahal ay hindi na kakailanganin pang gabayan ang mga kabataan mula sa konsepto ng pagpapahayag ng pag-ibig sa makamundong pamamaraan.

“We believe that every person first learns how to love in the family. If the family is strong, young people will instinctively know that love is about self-control and sacrifice. Instead of copy-cat laws from the West that want to push sex education, let’s strengthen Filipino families.” Ayon pa kay Delacruz.

Katuwang ng Pro-life Philippines sa pagsasagawa ng Candy-Giving Campaign sa Valentine’s Day ang iba pang mga kabataang kasapi ng Filipinos for Life, Singles for Christ (SFC), Young Catholics PH, at mga indibidwal na nakikiisa sa layunin ng gawain.

Kaugnay nito batay sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong 2022 umabot sa 150,138 ang bilang ng mga sanggol na ipinanganak ng mga adolescent mothers o katumbas ng 10% mula sa kabuuang registered births sa nasabing taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 28,372 total views

 28,372 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 34,501 total views

 34,501 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 64,643 total views

 64,643 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 84,773 total views

 84,773 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 104,848 total views

 104,848 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

No one is above the law-Bishop Bagaforo

 6,746 total views

 6,746 total views Nanawagan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng pananagutan at patas na pagpapatupad ng batas kaugnay ng mga

Read More »

Pope Leo XIV, pinuri ng SCMP

 6,687 total views

 6,687 total views Naglabas ng pahayag ang Student Christian Movement of the Philippines kaugnay sa unang encyclical ni Pope Leo XIV na “Magnifica Humanitas,” kung saan

Read More »
Scroll to Top