Sa unang pagkakataon mula nang maitalagang Arsobispo ng Maynila, nagkaroon ng pagkakataon si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na makasama ang kanyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle.
Si Cardinal Tagle ang Prefect of the Congregation for Evangelization of Peoples ay kasalukuyang nasa Pilipinas sa isang maikling bakasyon.
Ayon kay Cardinal Advincula, naging mabunga ang kanilang pag-uusap ni Cardinal Tagle lalu na para sa kabutihan ng arkidiyosesis.
‘We just had coffee, we had conversations. I asked him about Manila baka may ma-recommend siya, suggestion about the life in manila (archdiocese) kasi marami pa akong dapat matutuhan and the situation ng Archdiocese of Manila,” ayon kay Cardinal Advincula.
Sinabi pa ng bagong pinuno ng simbahan ng Maynila na marami siyang natutunan mula sa opisyal ng Vatican na naging arsobispo ng Maynila sa loob ng siyam na taon.
“Mahaba-haba rin ang aming napagkawentuhan and i learned a lot from this conversation.”
Pebrero 2020 nang magtungo sa Vatican si Cardinal Tagle habang Marso naman ngayong taon nang italaga ng Santo Papa si Cardinal Avincula bilang ika-33 arsobispo ng Manila.
Oktubre noong 2020 nang iangat ni Pope Francis ang dating arsobispo ng Capiz bilang ‘Cardinal’ ng Pilipinas.
Bukod kina Cardinal TAgle at Advincula, sa kasalukuyan ang Pilipinas ay may apat na Cardinal na sina Cotabato Archbishop-emeritus Orlando Cardinal Quevedo, Manila Archbishop-emeritus Gaudencio Cardinal Rosales.






