Kalagayan ng medical frontliners, binigyan pansin ni Bishop Mesiona

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 537 total reads

Binigyang-pansin ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang kalagayan ng mga medical frontliners ngayong pandemya na patuloy na ginagampanan ang kanilang misyong bigyang-lunas ang mga apektado ng coronavirus disease.

Sa mensahe ni Puerto Princesa, Palawan Bishop Socrates Mesiona, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Mission, kapansin-pansin na ang paghihirap at sakripisyo ng mga health workers sa kanilang hanapbuhay upang mapaglingkuran ang mga higit na nangangailangan ng atensyong medikal.

Ayon kay Bishop Mesiona, maliban sa lantad ang mga nurse at doktor sa panganib na mahawaan ng COVID-19, lumalabis na rin ang mga ito sa oras ng kanilang pagtatrabaho bunsod ng kakulangan sa mga empleyado ng ospital na mag-aalaga at gagamot sa mga higit na apektado ng virus.

Ito rin ang nagiging sanhi ng paghina ng katawan ng mga medical frontliners kung kaya’t ang mga ito ay nahahawaan na rin ng COVID-19.

“Mahirap po ang kalagayan ng mga health workers nitong panahon ng pandemya. Hindi lamang na sila’y expose na mahawaan ng sakit, overwork din sila dahil sa daming mga pasyenteng kanilang inaalagaan,” bahagi ng pahayag ni Mesiona sa Radio Veritas.

Sinabi ng Obispo na sa sitwasyong ito ng mga medical frontliners ay dapat lamang na pagtuunan ito ng pansin ng pamahalaan upang sila’y mabigyan ng karampatang benepisyo at suporta kapalit ng kanilang sakripisyo.

Kaugnay nito, hinihikayat naman ni Bishop Mesiona ang bawat isa na ipanalangin ang mga medical frontliners upang gabayan ng Panginoon sa kanilang misyon na gamutin ang mga mayroong malubhang karamdaman.

Gayundin, ang gawaran ang mga ito ng ligtas at malakas na pangangatawan laban sa panganib na mahawaan ng nakamamatay na virus.

“Kaya dapat talaga sila suportahan ng ating pamahalaan at patuloy natin silang ipanalangin,” saad ni Bishop Mesiona.

Batay sa tala ng DOH, umabot na sa mahigit 21,000 medical frontliners ang nagpositibo sa COVID-19 magmula nang ito’y lumaganap sa bansa noong nakaraang taon.

Sa bilang na ito, nasa higit 100 medical workers na ang naitalang nasawi sanhi ng nakamamatay na virus.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 12,273 total reads

 12,273 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 13,495 total reads

 13,495 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 27,921 total reads

 27,921 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 65,299 total reads

 65,299 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 96,569 total reads

 96,569 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 172,020 total reads

 172,020 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 264,892 total reads

 264,892 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 74,068 total reads

 74,068 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top