Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Oportunidad para sa kabataang Pilipino

SHARE THE TRUTH

 201 total views

Mga Kapanalig, may isinagawang pag-aaral noong Mayo 2021 ang EON Group at Tangere, mga market research firms, tungkol sa mga pagbabago sa pagtingin ng mga Pilipino sa darating na halalan sa Mayo 2022. Pinamagatang “The Outlook Report on the New Filipino Voter”, sinuri ng pag-aaral ang mga bagong botante kung gaano sila kasangkot ngayon sa halalan, anu-ano ang nakakaimpluwensya sa pagboto, at anu-ano ang mga mahahalagang isyu para sa kanila ngayon.

Talakayin natin ang unang aspeto ng pag-aaral. Lumabas sa research na 97% ng mga sumagot sa survey ay planong bumoto sa Mayo 2022, patunay na tumataas ang interes sa pulitika ng mga botante. Sana ay makita rin natin ito sa voter turnout sa darating na halalan. Noong 2019 kasi, ang voter turnout ng mga edad 25 pataas ay nasa 58% lamang. Mas mababa pa iyon sa 77% voter turnout noong 2016.

Bakit mahalaga ang datos na ito?

Una, maliwanag na nakasulat sa ating Konstitusyon na karapatan ng bawat Pilipino ang bumoto ng mga mamumuno sa bansa. Maging sa Universal Declaration of Human Rights, isinasaad namang ang lahat ay may karapatang lumahok sa pamahalaan ng kanilang bansa sa pamamagitan ng mga pinuno o kinatawang malaya nilang hinirang.

 


 

Pangalawa, sa pamamagitan ng pagboto, nakalalahok tayong mga mamamayan sa pulitikal at panlipunang buhay ng ating komunidad. Tandaan nating nasa ating mga kamay ang pagpili ng mga karapat-dapat na mamumuno at mamahala sa ating bansa, kaya’t ang kapakanan ng lahat ang ating isinasaalang-alang sa ating pagboto. Kinikilala maging ng ating Santa Iglesia ang tungkuling ito. Ang pakikilahok ng mga mamamayan ay isang tungkuling dapat tupdin nang malay, may pananagutan, at may pagtanaw sa kabutiang panlahat o common good.

Pangatlo at panghuli, dahil kabilang sa mga sumagot sa survey ay mga nasa edad 25 pataas, magandang indikasyon ito ng pagkakaroon ng interes ng kabataan sa usaping pulitika. Ayon sa Philippine Statistics Authority, sa kabuuang populasyon nating 109 milyon, nasa 29.4 milyon ang kabataang Pilipino at 20 milyon sa kanila ang nasa tamang edad na para bumoto.  Sa mahigit 62 milyong botanteng tinataya ng Comelec para sa halalan sa 2022, lumalabas na one-third ang mga kabataan. Kung rehistrado silang lahat, tunay na malaki at malakas na puwersa ang sektor ng kabataan sa eleksyon.

Ngunit hindi ito magiging madali para sa ating kabataan. Sa kanyang apostolic exhortation na Christus Vivit, sinabi ni Pope Francis na ang kabataan ay nasa yugto ng kanilang buhay na sila ay nangangarap at nagpapasya—a time of dreams and decisions.  Sa isang banda, nais nilang patuloy na mangarap at ipagpaliban muna ang anumang pagpapasya. Sa kabilang banda, hinihingi ng kanilang realidad ang pangangailangang magdesisyon para sa sarili, sa pamilya, at sa bayan; kabilang dito ang pagpili ng mga lider na tutulong sa kanilang magtaguyod ng kanilang kapankanan. Sa kasalukuyang panahon, nakararanas sila ng takot at para bang napaparalisa sa pagpapasya. Hindi natin sila dapat pabayaang manatili sa ganitong kalagayan. Nasa panahon tayong napakaraming mapagpipiliian at kailangang pagpasyahan, at kaakibat nito ang mabigat na responsibilidad dahil ang kanilang bawat hakbang ay huhubog sa kanilang buhay sa kasalukuyan at hinaharap.

Mga Kapanalig, ang darating na eleksyon ay pagkakataon para sa kabataang Pilipino upang makialam sila sa mga isyu ng bayan at magpasya para sa kanilang kinabukasan. Kaya tumulong tayo sa paghikayat sa kanilang magpa-rehistro at bumoto nang tama. Ang anumang kalalabasan ng pagpasya at pagpili nila sa mga mamumuno sa bayan ay tiyak na tatatak sa magiging landas ng kanilang kinabukasan. Sa ating kabataan, maging inspirasyon sana ang mga salitang ito mula sa 1 Timoteo 4:12, “Huwag mong hayaang hamakin ka ninuman dahil sa iyong kabataan.”

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 12,461 total views

 12,461 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 19,942 total views

 19,942 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 33,082 total views

 33,082 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 39,055 total views

 39,055 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 44,809 total views

 44,809 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 12,462 total views

 12,462 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 19,943 total views

 19,943 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 33,083 total views

 33,083 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 39,056 total views

 39,056 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 44,810 total views

 44,810 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 41,015 total views

 41,015 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 42,099 total views

 42,099 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 37,480 total views

 37,480 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 49,484 total views

 49,484 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 57,526 total views

 57,526 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 49,083 total views

 49,083 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 47,508 total views

 47,508 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 49,294 total views

 49,294 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 46,219 total views

 46,219 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 60,533 total views

 60,533 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top