Cardinal Advincula, nagtalaga ng kinatawan ng iba’t ibang ministries

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 745 total views

Itinalaga ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga bagong kinatawan ng iba’t ibang ministries ng Arkidiyosesis.

Sa inilabas na sirkular, itinalaga si Fr. Reginald Malicdem bilang Tagapagsalita ng Arkidiyosesis; si Fr. Jerome Secillano bilang Minister ng Ministry on Public Affairs; at Fr. Enrico Martin Adoviso bilang Minister ng Ministry on Socio-Political Advocacy o Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).

Samantala, kasabay ng pagbati at pananalangin sa mga bagong kinatawan, nagpapasalamat naman ang Arkidiyosesis sa pag-aalay ng sarili at dedikasyon sa serbisyo nina Fr. Atilano Fajardo, CM at Msgr. Hernando Coronel bilang mga dating ministro ng Public Affairs at Socio-Political Advocacy (PPCRV).

Magugunitang makalipas ang ilang linggo mula nang ganap na mailuklok noong Hunyo 24, 2021 bilang bagong pinuno ng Arkidiyosesis ng Maynila, unang ipinag-utos ni Cardinal Advincula ang status quo sa mga gawain at posisyon ng mga pari at layko sa iba’t ibang tanggapan ng Arkidiyosesis.

Katuwang naman ni Cardinal Advincula sa Maynila ang higit sa 600 mga pari sa 93 parokya upang pangasiwaan ang may tatlong milyong mananampalatayang Katoliko.

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 24,569 total views

 24,569 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 57,651 total views

 57,651 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 86,002 total views

 86,002 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 153,733 total views

 153,733 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 175,123 total views

 175,123 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top