Obispo, muling nanawagan sa mamamayan na magpabakuna

SHARE THE TRUTH

 255 total views

Muling hinikayat ni Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos ang mamamayan na magpabakuna na laban sa COVID-19.

Ayon sa Obispo, mahalaga ang pagpapabakuna dahil ito’y sumisimbolo sa pagkakaroon ng pag-asa upang malagpasan ang krisis na sanhi ng umiiral na pandemya.

Dagdag ni Bishop Santos na kapag bakunado ang lahat, matitiyak ng bawat isa ang kaligtasan ng sarili at makakatulong din upang hindi mahawaan ng virus ang kapwa.

“Tayo po ay magpabakuna para sa ating kinabukasan, na ang bukas natin ay ligtas, maayos at maganda,” mensahe ni Bishop Santos sa panayam ng Radio Veritas.

Samantala, sang-ayon naman si Bishop Santos na palaganapin ang house-to-house vaccination para sa malalayong komunidad lalo’t higit sa mga senior citizen at mayroong comorbidities.

Sinabi ng Obispo na higit itong makakatulong sa mga malalayo sa vaccination sites at magbibigay rin ng kapanatagan upang maiwasan ang pangambang mahawaan ng COVID-19 sa labas ng mga tahanan.

“Sadyang mabuti at kaaya-aya na kayo na ang pupuntahan upang bakunahan. Hindi na magpapagod pa, menos abala, at tiyak na hindi kayo mangangamba na mahawahan sa paglabas ng bahay,” ayon sa Obispo.

Magugunitang sinabi ng Malacañang na isa sa mga epektibong paraan na ipinapatupad sa mga local government units ay ang pagsasagawa ng house-to-house vaccination upang mapabilis ang pamamahagi ng bakuna sa bawat mamamayan lalo na sa mga matatanda at mayroong iba pang karamdaman.

Batay naman sa huling tala ng Department of Health, nasa mahigit 57-milyong Filipino na ang kumpleto na sa bakuna kontra COVID-19 o higit sa 70 porsyento ng kinakailangang populasyon upang maabot ang herd immunity.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 9,492 total views

 9,492 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 42,156 total views

 42,156 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 47,302 total views

 47,302 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 89,487 total views

 89,487 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 105,001 total views

 105,001 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Marian Pulgo

50-pesos na wage hike, binatikos

 3,628 total views

 3,628 total views Nilinaw ni Kamanggagawa Partylist Representative Elijah San Fernando na hindi dapat ikatwiran ang maliliit na negosyo upang hadlangan ang isinusulong na legislated wage

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top