Cardinal David, kinontra si US President Donald Trump

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 39,526 total reads

Binigyang-diin ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David ang kahalagahan ng pananagutan ng mga nasa kapangyarihan, kasunod ng panawagan ni US President Donald Trump sa mga miyembro ng International Criminal Court (ICC) na kumalas sa naturang hukuman.

Sa kanyang personal na Facebook account, sinabi ni Cardinal David na mahalagang itanong kung dapat bang may mga pinuno ng estado o mga kumander ng militar na hindi maaaring papanagutin sa kanilang paggamit ng kapangyarihan, lalo na kung sangkot dito ang buhay ng tao.

“Whatever our political sympathies, the fundamental question is this: Should any head of state, president, or military commander be beyond accountability for the exercise of power, especially when that power involves decisions over human life and death?” Bahagi ng pahayag ni Cardinal David.

Ang naturang pahayag ni Cardinal David ay kaugnay sa paglalabas ng panawagan si Trump sa kanyang talumpati sa United Nations General Assembly noong Setyembre 22, 2026 na umalis ang mga bansang kasapi ng ICC sa institusyon, na tinawag nito bilang isang “out of control institution” at isang “evil group of people.”

Iniuugnay ni Cardinal David ang usapin sa nagpapatuloy na proseso sa ICC laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa ICC, ang imbestigasyon sa sitwasyon sa Pilipinas ay nakatuon sa mga krimeng sakop ng hurisdiksiyon nito, kabilang ang alegasyon ng crimes against humanity of murder na isinagawa sa konteksto ng kampanya laban sa ilegal na droga.

Binigyang-diin naman ni Cardinal David na kinakailangan pa ring igalang ang mga karapatan ng akusado habang pinananatili ang prinsipyo ng pananagutan.

“He is entitled to the presumption of innocence and to a fair trial. The same principle of accountability, however, raises questions about the actions of leaders everywhere, including those of the most powerful nations.” Dagdag pa ni Cardinal David.

Nilinaw din ni Cardinal David na hindi nangangahulugan ang pagtatanggol sa prinsipyo ng international accountability na hindi na maaaring suriin o punahin ang ICC.

“The question is not whether the ICC is beyond criticism. Like every institution entrusted with the administration of justice, it must itself be accountable, impartial, and faithful to due process.” Ayon pa kay Cardinal David.

Para sa Cardinal, ang mas malalim na usapin ay kung paano mapananatili ang isang sistema ng hustisya na pantay ang pamantayan para sa makapangyarihan at sa mga walang kapangyarihan.

“The deeper question is whether the international community can sustain a system of justice in which the same standards apply to the powerful and the powerless alike.” Ani Cardinal David.

Sa kanyang pagninilay, binigyang-diin din ni Cardinal David na ang usapin ng pananagutan ay hindi lamang dapat nakatuon sa isang bansa, lider o institusyon, kundi sa mas malawak na prinsipyo na walang kapangyarihang dapat maging higit sa pananagutan sa batas at makatarungang proseso.

Ang ICC ay isang independent international court na itinatag sa ilalim ng Rome Statute kung saan saklaw ng mandato nito ang paglilitis sa mga indibidwal na inaakusahan ng genocide, crimes against humanity, war crimes at crime of aggression.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 21,480 total reads

 21,480 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 102,652 total reads

 102,652 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 136,101 total reads

 136,101 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 171,399 total reads

 171,399 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 397,225 total reads

 397,225 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top