Ipagdasal ang Apostolic journey ni Pope Leo XIV, panawagan ng opisyal ng simbahan sa mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 35,967 total reads

Hinimok ni Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang mga Katoliko na isabuhay ang kanilang pananampalataya hindi lamang sa loob ng Simbahan kundi sa kanilang pang-araw-araw na buhay, trabaho at pakikisalamuha sa lipunan.

Sa kanyang ulat sa programang Veritas Pilipinas bilang Vatican Correspondent ng Radio Veritas, ibinahagi ni Fr. Gaston ang mga nakatakdang gawain ni Pope Leo XIV sa kanyang paglalakbay sa France, kabilang ang mga pakikipagkita at pakikipagpulong sa mga opisyal ng pamahalaan, diplomats, pari, seminarista, obispo, religious at kabataan sa Paris, Lourdes at Metz.

Hiniling din ni Fr. Gaston sa mga Pilipino na samahan sa panalangin ang Santo Papa habang isinasagawa nito ang kanyang pastoral visit.

“Kaya ayan po ang ating Santo Papa, sana masamahan natin siya sa ating dasal. At kung may mga kaibigan tayo na nandoon ngayon sa France, mga kakilala natin na baka dumalaw sa France o baka doon nakatira, sabihin niyo ipagdasal talaga ang ating Santo Papa.”
Bahagi ng pahayag ni Fr. Gaston sa Radyo Veritas.

Samantala, binigyang-diin din ni Fr. Gaston ang kahalagahan ng patuloy na pag-aaral ng katesismo at pagsasabuhay ng pananampalataya sa labas ng parokya.

Ayon sa Pari, mahalaga ang pagiging aktibo ng mga layko at ministries sa buhay ng Simbahan, ngunit hindi dapat doon lamang manatili ang kanilang misyon.

“Kailangan talaga na ang ating spirituality ay hindi lang doon sa simbahan, sa labas nga ng simbahan. Kailangan natin ng mga taong-simbahan, kailangan natin ng active sa mga organization… Kaso huwag niyo kalimutan, kayo ay 1% lang. 1% lang ng lahat ng mga tao sa simbahan.” Dagdag pa ni Fr. Gaston.

Ipinaliwanag ni Fr. Gaston na ang malaking bahagi ng misyon ng mga layko ay nasa mismong mundo kung saan sila araw-araw namumuhay kabilang sa trabaho, paaralan, negosyo, palengke at iba pang lugar kung saan nakakasalamuha nila ang kanilang kapwa.

“Malungkot kung sumisimba nga tayo tapos kapag nandoon na tayo sa opisina o nandoon na tayo sa trabaho, wala na, nakalimutan na natin ang Panginoon. Hindi, ‘yan nga ang ating paraan na makatulong sa ating kapwa: ‘yung ating trabaho, done honestly, done with diligence, done with—on-time tayo, at we produce more kaysa sa hinihingi sa atin.” Ayon pa kay Fr. Gaston.

Paliwanag ni Fr. Gaston, ang pagsasabuhay ng pananampalataya ay makikita rin sa pagiging mabuting mamamayan at sa simpleng pagsunod sa mga alituntunin sa lipunan, pangangalaga sa kapaligiran at pagiging responsable sa pakikitungo sa kapwa.

“Doon natin makikita ang Panginoon din, hindi lang doon sa parokya. At diyan natin dadalhin ang Panginoon, hindi lang doon sa Catholic organization natin sa simbahan. Sa mga kaibigan natin diyan, sa mga bumibili, sa mga nagtitinda, sa mga nagtuturo, sa mga nag-aaral ‘yung kasama natin, ‘yun pala ang ating misyon.” Ani Fr. Gaston.

Iniugnay rin ng Pari ang mensaheng ito sa mga turo ni Pope Leo XIV tungkol sa bokasyon ng tao sa mundo, kabilang ang trabaho at iba pang larangan ng buhay, bilang mga lugar kung saan maaaring maisabuhay ang pananampalataya.
“Doon tayo nilagay ng Panginoon upang magdala ng Kanyang pagmamahal, ng Kanyang service, ‘yung Kanyang forgiveness, Kanyang justice sa buong mundo. Again, napakahalaga nga sa mga parokya, although 1% ‘yan, 100% doon sa buong mundo sana tayo.” Dagdag pa ni Fr. Gaston.

Para sa Simbahan, ang pananampalataya ay hindi lamang dapat makita sa pagsisimba o mga gawaing panrelihiyon, sa halip ay hinihikayat ang mga layko na dalhin ang diwa ng Ebanghelyo sa kanilang pamilya, trabaho at komunidad upang maging buhay na saksi ng pagmamahal, paglilingkod, pagpapatawad at katarungan sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 50,788 total reads

 50,788 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 147,519 total reads

 147,519 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 191,788 total reads

 191,788 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 214,897 total reads

 214,897 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 287,794 total reads

 287,794 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top