D-O-L-E, kumikilos na upang wakasan ang forced at child labor sa bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 35,949 total reads

Pinaigting ng Department of Labor and Employment ang pakikipagtulungan sa iba’t-ibang sektor upang tuluyang wakasan ang forced labor at child labor sa bansa.

Pinangunahan ng D-O-L-E ang National Strategic Planning Workshop para sa roadmap ng Pilipinas bilang ‘Alliance 8.7 Pathfinder Country’.

Isinagawa ang workshop na nilahukan ng mga ahensya ng pamahalaan, workers, employers, survivors, civil society organizations at development partners upang bumuo ng mga hakbang laban sa forced at child labor.

Iginiit ni DOLE Assistant Secretary Loreto Acharon na mahalaga ang whole-of-government society approach upang maisulong ang quality, decent work at pagtataguyod ng social justice at labor rights.

““This roadmap is far more than a planning document. It reflects our shared responsibility and collective commitment to actions, bringing together government agencies, civil society, and key stakeholders. This exemplifies the very convergence and collaboration that the administration of President Ferdinand Marcos Jr. envisions, anchored on the whole-of-government and whole-of-society approach,”pahayag ni Acharon sa Radyo Veritas.

Naniniwala ang D-O-L-E na makatutulong ang pagiging Alliance 8.7 Pathfinder Country upang matuto ang Pilipinas mula sa best practices ng ibang bansa at maibahagi ang mga hakbang na isinagawa nito upang mapababa ang bilang ng mga batang nasasangkot sa child labor.

Itinuturo ni Pope Leo XIII sa kaniyang encyclical na Rerum Novarum na pangalagaan ang mga bata laban sa paggawa na hindi angkop sa kanilang edad at pisikal na kalagayan.
Itinuturing naman ni Pope Francis na ang child labor ay paglabag sa dignidad ng tao at nangangailangan ng pagtutulungan ng pamahalaan, negosyo, civil society at iba pang sektor upang tuluyang wakasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Special treatment?

 90,485 total reads

 90,485 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 175,895 total reads

 175,895 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 239,736 total reads

 239,736 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 320,671 total reads

 320,671 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 399,478 total reads

 399,478 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top