Pagpapaliban ng BSKE, pagtanggal sa karapatang bumoto ng mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 36,168 total reads

Naniniwala ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na mahalagang pangalagaan ang regular na halalan at karapatan ng mga botante kaugnay sa muling pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) mula Nobyembre 2026 patungong Nobyembre 2028.

Sa panayam sa programang Barangay Simbayanan, sinabi ni PPCRV Spokesperson at Board of Trustee Ana de Villa-Singson na ang pagpapaliban ng halalan ay nangangahulugan ng dalawang taong karagdagang panunungkulan ng kasalukuyang barangay at SK officials bago muling makapili ang mga mamamayan ng kanilang mga lider sa pamayanan.

Binigyang-diin ni de Villa-Singson na ang halalan ay mahalagang mekanismo upang makapili ang publiko kung sino ang nais nilang mamuno sa kanilang komunidad.

“In a democratic process, tinatanggal ninyo ang karapatang bumoto ‘pag pinag-postpone ninyo. You are taking away the right to vote and choose new leaders, or if they want to replace them, or keep ones who are good. That’s a deprivation of right.” Bahagi ng pahayag ni de Villa-Singson sa Radyo Veritas.

Ayon kay de Villa-Singson, higit na mahalaga ang usapin ng halalang pambarangay sa kalagayan ng mga kabataan na dapat ay magkaroon ng pagkakataong lumahok sa halalan bilang mga botante at kandidato.

“Feeling ko ho, dapat nang hindi postpone-postpone. Alam mo, meron akong mga kakilalang BSKE youth sila noon. Dahil postpone nang postpone, hindi na youth. May asawa na, may anak na, oh my goodness, hindi na youth.” Dagdag pa ni de Villa-Singson.

Sa ilalim ng Republic Act No. 12326 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang halalang nakatakda sana ngayong Nobyembre 2, 2026 ay ililipat sa Nobyembre 2028, kasabay ng pagtatakda ng limang taong termino para sa barangay at SK officials.

Ayon kay de Villa-Singson, hindi lamang usapin ng petsa ng halalan ang epekto ng sunod-sunod na postponement, lalo na sa mga kabataang saklaw ng SK sapagkat marami sa mga kabataan ang lumagpas na sa itinakdang edad sa ilalim ng Sangguniang Kabataan.

“Overage na rin, youth in progress. Magulo. In fact, ‘yung last BSKE bago nangyari ‘yon, there were like four postponements, so sobrang tanda na talaga, like 10 years na.” Ayon pa kay de Villa-Singson.

Binigyang-diin ni de Villa-Singson na may mga itinakdang limitasyon sa termino ng mga halal na opisyal at mahalagang hindi mawalan ng saysay ang mga ito dahil sa paulit-ulit na pagpapaliban ng halalan.

Para sa PPCRV, mahalaga ang Barangay at SK elections dahil kabilang ang mga opisyal nito sa pinakamalapit sa pang-araw-araw na buhay ng mga mamamayan sa pamayanan.

Ayon kay de Villa-Singson, ang halalan sa Barangay at SK ay mahalagang pagkakataon para direktang makilahok ang mga mamamayan sa pagpili ng mga lingkod-bayan.

“’Yan ang unang hakbang na makapasok sa very direct relationship with the public if you are a public servant. So importante ‘yon. Sila ang direct-facing, ‘di ba? At sila ang future leaders.” Ani de Villa-Singson.

Samantala, sinabi rin ni de Villa-Singson na kailangang magkaroon ng malinaw at tiyak na impormasyon ang mga election stakeholders upang maayos na maipagpatuloy ng mga election watch-dog at stakeholders tulad ng PPCRV ang kanilang paghahanda at voter education efforts bilang paghahanda sa halalan.

“Hindi ba importante ‘yung halalan na ‘yon na pwedeng i-cancel na lang at i-cancel. Kung iisipin mo, ‘yan ang unang hakbang na makapasok sa very direct relationship with the public if you are a public servant.” Ayon pa kay de Villa-Singson.

Para sa PPCRV, nananatiling mahalaga ang pakikilahok ng mga mamamayan, karapatan sa pagboto at pananagutan ng mga halal na opisyal, lalo na sa pinakamababang antas ng pamahalaan kung saan direktang nararanasan ng mga komunidad ang serbisyo publiko.

Ang kasalukuyang iskedyul na muling ipinagpaliban ay resulta ng Republic Act No. 12232 na nilagdaan ni Pangulong Marcos noong 2025 at nagtakda sa November 2, 2026 bilang susunod na BSKE matapos ang halalang ginanap noong 2023.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 22,688 total reads

 22,688 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 103,800 total reads

 103,800 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 137,249 total reads

 137,249 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 172,547 total reads

 172,547 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 398,297 total reads

 398,297 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top