Batas na nagpapaliban sa BSKE, nilagdaan ng pangulong Marcos Jr.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,298 total reads

Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang batas na nagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE at nagtatakda ng limang taong termino para sa mga opisyal ng barangay at SK.

Sa ilalim ng Republic Act No. 12326, ililipat sa Nobyembre 2028 ang susunod na regular na halalan sa barangay at Sangguniang Kabataan, mula sa nakatakdang botohan ngayong Nobyembre 2, 2026.

“Sa paglagda natin sa 𝗥𝗲𝗽𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗔𝗰𝘁 𝗡𝗼. 𝟭𝟮𝟯𝟮𝟲, na nagtatakda ng limang taong termino para sa mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan, malinaw ang ating inaasahan sa ating mga kasalukuyang opisyal. Gamitin ang panahong ito upang mas pagbutihin ang serbisyo, tapusin ang mga nasimulang programa at mas tutukan ang pangangailangan ng bawat komunidad, pamilya at kabataan,” ayon sa pahayag ng Pangulo.

Dahil dito, madaragdagan ng isang taon ang kasalukuyang apat na taong termino ng mga opisyal ng barangay at SK.

Ayon sa Pangulo, dapat gamitin ng mga kasalukuyang opisyal ang karagdagang panahon upang mapabuti ang serbisyo, tapusin ang mga nasimulang programa at higit na tutukan ang pangangailangan ng kanilang mga komunidad at kabataan.

Dagdag pa ng Pangulo, “Hindi ito dagdag na panahon sa puwesto. Dagdag itong panahon ng pananagutan sa taumbayan.”

Sa batas, hindi rin maaaring lumampas sa dalawang magkasunod na termino sa parehong posisyon ang mga halal na opisyal ng barangay, habang isang termino lamang sa parehong posisyon ang itinakda para sa mga opisyal ng Sangguniang Kabataan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 20,236 total reads

 20,236 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 101,472 total reads

 101,472 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 134,921 total reads

 134,921 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 170,219 total reads

 170,219 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 396,095 total reads

 396,095 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 14,171 total reads

 14,171 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top