Nanawagan si Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David sa mga mambabatas at sa ehekutibo na tuluyang talikuran ang lahat ng anyo ng pork barrel at mga sistemang patuloy na sumisira sa tiwala ng publiko.
Ito ang naging sentro ng mensahe at panawagan ng Cardinal sa bisperas ng pinal na pagsusumite ng panukalang pambansang badyet para sa taong 2026.
Sa kanyang pahayag sa official Facebook page na may pamagat na “A Final Appeal on the Eve of the 2026 Budget,” sinabi ni Cardinal David na ramdam ng maraming mamamayan ang matinding pagkadismaya sa patuloy na pag-iral ng mga budgetary practices na nagbibigay ng labis na kapangyarihan at discretion sa mga mambabatas—lalo na sa pamamahagi ng ayuda, district-specific projects, at malalaking pondong kulang sa malinaw na paliwanag at kadalasang nauuwi sa katiwalian.
“I wish to speak with respect and good will to our legislators—and to all who bear responsibility for the public trust. Many citizens feel deep disappointment and concern over the persistence of budgetary practices that place legislators at the center of assistance programs for indigents, district-specific projects, and large standby funds whose eventual use remains opaque. Whatever names we give these items, they have long been associated with discretion, political mediation, and vulnerability to abuse,” pahayag ni Cardinal David.
Binigyang-diin ng Cardinal na lalong nagiging mahirap tanggapin ang mga nakagawiang kalakaran sa gitna ng mga eskandalo kaugnay ng 2025 budget, kung saan may mga alegasyon ng katiwalian na hanggang ngayon ay hindi pa ganap na napapanagot ang mga sangkot.
Giit ni Cardinal David, ang tulong para sa mahihirap ay dapat dumaan sa matitibay, malinaw, at rules-based na mga institusyon ng pamahalaan, at hindi sa mga sistemang nagiging daan ng patronage politics.
“But assistance to the poor should be delivered through strong, rules-based public institutions, not through arrangements that risk turning human need into political leverage. Development across regions should be secured by sound national policies, not by discretionary allocations that are structurally prone to patronage and corruption. Even where some officials act with integrity, the system itself remains fragile—and recent scandals have laid bare just how costly that fragility can be,” dagdag pa ng Cardinal.
Nanawagan din si Cardinal David sa Pangulo na ganap na gamitin ang kapangyarihan ng ehekutibo bilang panangga laban sa katiwalian, partikular sa maingat at responsableg paggamit ng “For Later Release” o FLR classification sa mga budget item na may mataas na panganib ng pang-aabuso.
“With the assistance of the implementing agencies under his authority, he can identify budget items most vulnerable to abuse and irregularities and ensure that they are not made easy to implement. The classification of certain items as ‘For Later Release (FLR)’ exists precisely for this purpose: to withhold release until readiness, validation, and strict compliance with clear conditions are established,” ayon pa kay Cardinal David.
Hinimok din ng Cardinal ang civil society na ipagpatuloy ang pagbabantay at pagsusulong ng pananagutan sa ilalim ng tamang proseso ng batas, kabilang na ang pagdulog sa Korte Suprema kung kinakailangan, upang linawin at kuwestiyunin ang mga paraan ng ilang mambabatas sa muling pagbuhay ng pork barrel sa iba’t ibang anyo.
Nilinaw naman ni Cardinal David na ang kanyang panawagan sa mga mambabatas ay hindi isang pagkondena, kundi isang taos-pusong panawagan para sa kinakailangang pagbabago.
“This is a humble appeal, not a condemnation. A call to good will, not a denial of complexity. But it is also a firm plea for renunciation—of pork in all its reinvented forms—and for a renewed focus on what legislators can do best: enact laws that strengthen institutions, ensure transparency, and guarantee a more just and equitable distribution of progress and development for all,” paliwanag ng Cardinal.
Ayon kay Cardinal David, ang sambayanang Pilipino—lalo na ang mga mahihirap—ay karapat-dapat sa isang pambansang badyet na nagtataguyod ng tiwala ng publiko, at hindi muling sumisira rito.






