333 total views
Nagpahayag ng pakikibahagi at pakikiisa si Archdiocese of Cotabato Archbishop Emeritus Orlando Cardinal Quevedo sa paggunita ng mga Muslim sa panahon Ramadan.
Ayon sa Cardinal, kaisa ang buong Simbahang Katolika sa pagbibigay halaga sa layunin ng Banal na Buwan ng Ramadan na panahon ng pagsisisi, pagsasakripisyo, pagninilay, pananalangin at pagkakawang-gawa ng mga Muslim. Nagpaabot rin ng panalangin si Cardinal Quevedo para sa ligtas, makabuluhan at makahulugang pagpapamalas ng pananampalataya at spiritual journey ng mga Muslim ngayong panahon ng Ramadan.
“I join you in mind and heart as you begin your Holy Ramadan. It is a privileged season of “greater jihad,” of sacrifice, prayer, and charity against internal passions and desires that separate us from God. Even as you strive daily to do so, the Holy Ramadan offers a special month long journey towards a more perfect obedience to God’s sovereign will. My prayers accompany you on your spiritual journey. May God bless you!” mensahe ni Cardinal Quevedo sa Radio Veritas.
Naunang nagpahayag ang Kanyang Kabanalan Francisco na magbunga ng pangkabuuang pagkakapatiran ang paggunita ng Banal na Buwan ng Ramadan o Islamic Holy Month ng mga Muslim. Nagsimula ang Ramadan o ang isang buwang pag-aayuno ng mga Muslim noong ika-13 ng Abril na inaasahan namang magtatapos sa ika-12 ng Mayo. Batay sa tala, umaabot sa 10-milyon ang bilang ng mga Muslim sa Pilipinas kung saan mayorya ay mga Katoliko.