Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

CBCP-Episcopal Commission on Social Communications, nagpaabot ng panalangin at suporta sa Radio Veritas

SHARE THE TRUTH

 496 total views

Nagpaabot ng panalangin ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Social Communications sa himpilan ng Radio Veritas na pansamantalang isinailalim sa lockdown ang main studio dahil sa pagpopositibo sa COVID-19 ng ilang mga kawani.

Ayon kay Diocese of Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit – chairman ng kumisyon, mahalagang patuloy na maging matatag ang lahat sa kabila ng mga takot at pangamba na dulot ng pandemya.

Ipinapanalangin rin ng Obispo ang mabilis na paggaling at maayos na kalagayan ng lahat ng humaharap sa kawalan ng katiyakan dahil sa pandemya. Binigyan- diin ni Bishop Maralit ang pangako ng kaligtasan at kapanatagan ng Panginoon para sa bawat isa.

“Well, I pray that you all get well. Stay strong everyone and in spite of the fears and anxiety your situation may cause you, today’s gospel reminds you of our Lord’s presence and words to His faithful, “Do not be afraid, it is I.” (Jn. 6)” mensahe ni Bishop Maralit sa panayam sa Radio Veritas.

Binigyang pagkikala at pinuri din ni Bishop Maralit ang patuloy na pagsusumikap ng himpilan na magsilbing daluyan ng Ebanghelyo at Mabuting Balita ng Panginoon para sa mga mananampalataya.

Tiniyak naman ng Obispo ang patuloy na pananalangin para sa kabutihan, paggaling at kapakanan ng mga apektado ng COVID-19. “And I commend you all for your efforts that in spite of your present predicament you continue to bring service to our faithful and our public. God bless you all and be assured of my prayers for all of you!” Dagdag pa ni Bishop Maralit.

Pansamantalang ginagamit ng Radyo Veritas ang transmitter sa Taliptip Bulacan, upang patuloy na makapaglingkod at mapakinggan ang mga programa ng Radyo ng Simbahan kabilang na ang mga banal misa, pagninilay ng mga pari at obispo gayundin ang mga gawain ng Simbahan para sa pagdiriwang ng ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas. Bukod sa patuloy na pagsasahimpapawid sa talapihitan bilang 846 AM-band ay mapapanuod rin ang mga programa ng himpilan sa pamamagitan ng video streaming at veritas846.ph Facebook page.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 42,423 total views

 42,423 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 79,904 total views

 79,904 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 111,899 total views

 111,899 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 156,640 total views

 156,640 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 179,586 total views

 179,586 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 6,856 total views

 6,856 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 17,471 total views

 17,471 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 6,857 total views

 6,857 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »

SLP, nanawagan ng katarungan sa ICC

 61,291 total views

 61,291 total views Nanawagan ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas (LAIKO) ng katarungan sa gitna ng ulat ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) hinggil sa mga maanomalyaang

Read More »

Walang itinatakwil ang Panginoon

 38,879 total views

 38,879 total views Binigyang-diin ni Tandag Bishop Raul Dael na walang sinuman ang itinatakwil o itinuring na walang pag-asa ng Diyos, maging ang mga Persons Deprived

Read More »

PDL’s, mga anak ng Diyos-Bishop Florencio

 45,818 total views

 45,818 total views Binigyang-diin ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio, chairman ng CBCP–Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (ECPPC), na kailanman ay

Read More »
Scroll to Top