Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Cardinal Tagle hinimok ang NAPOLCOM na maging makatao

SHARE THE TRUTH

 264 total views

Pinaalalahanan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang National Police Commission at iba pang tagapagpatupad ng batas na panatilihin ang kababaang loob at pagiging makatao.

Ito ay kaugnay sa pagdiriwang ng ika-52 taong anibersaryo ng National Police Commission o NAPOLCOM kung saan pinangunahan ng Kardinal ang banal na misang ginanap sa DILG-NaPolCom Building sa Quezon City noong ika-7 ng Septyembre.

Ayon sa Kardinal, dapat maging maingat sa paghusga sa kapwa dahil maaring magdulot ito ng maling panghuhusga tulad ng ginawa ng mga Pariseo kay Hesus na nagdala sa kanya sa kamatayan.

Ipinaalala ng Kardinal na bagamat madaling husgahan ng tao ang kilos o galaw ng kanyang kapwa ay tanging ang Panginoon ang nakakikita ng tunay na nilalaman ng puso ng bawat isa.

Ipinaalala ni Cardinal Tagle na sa huling yugto ng ating buhay ay ang Diyos din ang huhusga sa bawat tao at ang mga nakatakas sa batas ay hindi makalulusot sa hatol ng Panginoon.

“St. Paul reminds us, We see the action, but God sees the heart. So in the end, the one who can make a just judgment is God and all of us are Accountable to God even those who can run away from Human Laws in the end cannot run away from God who sees the heart and who is the Real law giver,” bahagi ng homiliya ni Kardinal Tagle.

Dahil dito, iginiit ng Kardinal na kinakailangang maging maingat sa pagdedesisyon at paghatol ang mga pulis, at panatilihin ang kanilang kababaang loob sa pagpapatupad ng mandato nito na protektahan ang mamamayan.

“Kaya po isa itong magandang paalaala sa atin kasi po sa ating mga trabaho, kayo sa NaPolCom you have to do a bit of Judgement, kami rin po bilang mga Pari kinokonsulta kami, so sometimes you have to make some decisions, but we are being reminded by the readings of today, be cautious and humble, let us not pretend that we can read the minds and hearts of people, in other words we cannot play God.” Dagdag pa ng Kardinal

Hinimok naman ng Kardinal ang mga Opisyal at lahat ng bahagi ng NaPolCom na maging consistent sa ipinatutupad nitong batas at sa kanilang pang-araw-araw na aksyon at pagkilos.

Hinikayat ng Kardinal ang mga Opisyal at kawani ng NAPOLCOM na manguna sa pagiging modelo sa pagsunod sa batas upang maging katanggap-tanggap sa mamamayang pinaglilingkuran.

“And secondly, we need to be Trustworthy, the consistency of our life, Our external life and also what we are proposing. We are the first ones who should live according to the wine that we want others to accept and to drink.” Dagdag pa ni Kardinal Tagle.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 8,482 total views

 8,482 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 22,542 total views

 22,542 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 41,113 total views

 41,113 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 66,281 total views

 66,281 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 168,838 total views

 168,838 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 112,684 total views

 112,684 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
1234567