Pamahalaan, Hinamong maglaan ng pondo sa drug prevention hindi sa drug killings

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 634 total reads

Dapat maglaan ng sapat na pondo ang Pamahalaan upang ganap na mapigilan ang pagpasok sa mga pantalan ng illegal drugs mula sa iba’t-ibang bansa.

Ayon kay Rev. Fr. Gilbert Billena, Spokesperson ng Rise Up for Life and for Rights, dapat mas paglaanan ng pondo ng pamahalaan ang tuluyang pagsawata sa pagpasok ng supply ng illegal na droga sa bansa sa pamamagitan ng pagtutok sa mga pantalan ng Bansa.

Iginiit ng Pari na dapat paglaanan ng pondo ang pagpigil sa paglaganap ng illegal na droga sa halip na paglaanan ng pondo ang mga kampanya tulad ng war on drugs.

“Gumastos din ang Gobyerno dapat ng milyong milyong pera, may milyon milyong pera para sa karahasan pero wala namang iba-budget para sa prevention para maipigilan ang pagpasok ng mga illegal na droga sa ating bayan. Malinaw naman yun sa mga balita kung saan galing itong mga Illegal na droga sa China.” pahayag ni Father Billena sa panayam sa Radyo Veritas.

Naunang hinamon ng Rise Up for Life and for Rights ang pamahalaan na paghuli sa mga drug suppliers at pagharang sa pagpasok ng mga illegal ng droga sa bansa.

Bukod dito, iginiit din ng Pari ang dapat na pagpapanagot ng pamahalaan sa mga nasa likod ng pagpupuslit ng droga sa bansa.

Tinukoy ng Pari ang nasa likod ng nakumpiskang shabu na nagkakahalaga ng 6.4 na bilyong piso sa Valenzuela City na nakalusot sa Bureau of Customs.

Sa pagtataya ng mga Human Rights group nananatili sa 3 hanggang 5-indibidwal pa rin ang napapatay kada araw sa pinaigting na kampanya ng Pamahalaan sa illegal na droga.

Sinasabing umaabot na sa 23-libo ang kaso ng drug-related killings simula ng manungkulan ang Pangulong Rodrigo Duterte.

Ipanalangin at protektahan ang mga inuusig

 5,258 total reads

 5,258 total reads Hinimok ni Caritas Philippines President at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang mga mananampalataya na ipagtanggol ang kalayaan ng bawat isa na isabuhay

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Usapang klima

 10,481 total reads

 10,481 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 126,259 total reads

 126,259 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 246,839 total reads

 246,839 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 296,616 total reads

 296,616 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top