Cardinal Tagle hinimok ang NAPOLCOM na maging makatao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 578 total reads

Pinaalalahanan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang National Police Commission at iba pang tagapagpatupad ng batas na panatilihin ang kababaang loob at pagiging makatao.

Ito ay kaugnay sa pagdiriwang ng ika-52 taong anibersaryo ng National Police Commission o NAPOLCOM kung saan pinangunahan ng Kardinal ang banal na misang ginanap sa DILG-NaPolCom Building sa Quezon City noong ika-7 ng Septyembre.

Ayon sa Kardinal, dapat maging maingat sa paghusga sa kapwa dahil maaring magdulot ito ng maling panghuhusga tulad ng ginawa ng mga Pariseo kay Hesus na nagdala sa kanya sa kamatayan.

Ipinaalala ng Kardinal na bagamat madaling husgahan ng tao ang kilos o galaw ng kanyang kapwa ay tanging ang Panginoon ang nakakikita ng tunay na nilalaman ng puso ng bawat isa.

Ipinaalala ni Cardinal Tagle na sa huling yugto ng ating buhay ay ang Diyos din ang huhusga sa bawat tao at ang mga nakatakas sa batas ay hindi makalulusot sa hatol ng Panginoon.

“St. Paul reminds us, We see the action, but God sees the heart. So in the end, the one who can make a just judgment is God and all of us are Accountable to God even those who can run away from Human Laws in the end cannot run away from God who sees the heart and who is the Real law giver,” bahagi ng homiliya ni Kardinal Tagle.

Dahil dito, iginiit ng Kardinal na kinakailangang maging maingat sa pagdedesisyon at paghatol ang mga pulis, at panatilihin ang kanilang kababaang loob sa pagpapatupad ng mandato nito na protektahan ang mamamayan.

“Kaya po isa itong magandang paalaala sa atin kasi po sa ating mga trabaho, kayo sa NaPolCom you have to do a bit of Judgement, kami rin po bilang mga Pari kinokonsulta kami, so sometimes you have to make some decisions, but we are being reminded by the readings of today, be cautious and humble, let us not pretend that we can read the minds and hearts of people, in other words we cannot play God.” Dagdag pa ng Kardinal

Hinimok naman ng Kardinal ang mga Opisyal at lahat ng bahagi ng NaPolCom na maging consistent sa ipinatutupad nitong batas at sa kanilang pang-araw-araw na aksyon at pagkilos.

Hinikayat ng Kardinal ang mga Opisyal at kawani ng NAPOLCOM na manguna sa pagiging modelo sa pagsunod sa batas upang maging katanggap-tanggap sa mamamayang pinaglilingkuran.

“And secondly, we need to be Trustworthy, the consistency of our life, Our external life and also what we are proposing. We are the first ones who should live according to the wine that we want others to accept and to drink.” Dagdag pa ni Kardinal Tagle.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 81,699 total reads

 81,699 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 176,109 total reads

 176,109 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 220,377 total reads

 220,377 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 243,486 total reads

 243,486 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 314,927 total reads

 314,927 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 32,933 total reads

 32,933 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 25,837 total reads

 25,837 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top