375 total views
updated:
Manila, Philippines- Hinihikayat ang mga mananampalatayang Filipino na ipanalangin ang dagliang paggaling at kaligtasan ni Filipino Cardinal Luis Antonio Cardinal Tagle-ang Prefect of the Congregation for Evangelization of Peoples’.
Si Cardinal Tagle ang dating arsobispo ng Maynila ay nagpositibo sa Covid-19 sa kaniyang pagdating sa Pilipinas nang sumailalim sa pagsusuri (Sept.10 oras sa Roma) ayon na rin sa kumpirmasyon ni Matteo Bruni ng Vatican Press Office.
Sa kanyang mensahe sa Radio Veritas, i-aalay ni Cotabato Archbishop Emeritus Orlando Cardinal Quevedo, OMI, ang kanyang mga banal na misa para sa agarang recovery ni Cardinal Tagle sa nakakahawa at nakakamatay na sakit.
“Good morning Cardinal Chito! This is the other Cardinal from the southern end of the country. By now the whole country knows you are home but sadly infected with the corona virus. I’ve been praying for you since last night. I shall offer my Holy Masses and Rosaries for your intention. May our loving God of mercy and compassion grant you a speedy and full recovery. May the Blessed Virgin Mary, our Mother, Health of the sick, Mother of Mercy and Hope whose Holy Name we celebrate today, intercede for you before her Son, the Divine Healer. Best wishes, dear friend, God bless!” panalangin ni Cardinal Quevedo
Nanawagan din ang social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mananampalataya na mag-alay ng 10 Hail Mary’s para sa mabilis na paggaling ng Kanyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle ang Prefect of the Vatican Congregation for the Evangelization of Peoples matapos na magpositibo sa Coronavirus Disease 2019.
Ayon kay NASSA / Caritas Philippines National Chairperson Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, mahalaga ang sama-samang pananalangin para sa paggaling ng lahat ng mga nagpositibo sa COVID-10 kabilang na si Cardinal Tagle na siya ring Pangulo ng Caritas Internationalis na nangangasiwa sa kalipunan ng mga Catholic charities sa buong daidig.
Sinabi ng Obispo na isa itong paalala na kinakailangang patuloy na seryosohin ang pagsunod sa mga safety health protocols laban sa COVID-19 kabilang na ang pagsusuot ng face mask, face shield, paghuhugas ng kamay at ang physical distancing.
“Pls let the good Cardinal know that we are storming heavens with our prayers. We ask all Filipinos to offer 10 Hail Mary’s for Cardinal’s healing and remember him in your daily prayers. This is a call for everyone that we take seriously the necessary precautions against COVID 19. Wear face masks and face shields, observe physical distancing and sanitize our hands always. Let us help each other by observing this health protocol.”pahayag ni Bishop Bagaforo sa panayam sa Radio Veritas.
Tiniyak naman ni Balanga Bishop Ruperto Santos ang panalangin para sa kagalingan ni Cardinal Tagle.
Si Bishop Santos ay ang kasalukuyang chairman ng CBCP-Pontificio Collegio Filipino.
“Let’s join together our hands in prayers to our almighty God for our beloved Cardinal Luis Antonio Tagle for his swift recovery. We humbly beg our dear God to help, to heal our Cardinal, as we offer Holy Masses for him,” ayon kay Bishop Santos.
Nagpaabot at humiling din ng dasal para kay Cardinal Tagle at sa lahat ng nahawaan ng COVID-19 si Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Florencio.
“Lord give healing to our beloved Cardinal, Chito Tagle from Covid 19 so that he may continue to serve your church and the Pope. Heal also those who have been infected with us dreaded disease and may all of us see you divine guidance and will inall these trials. May the blessed mother, health of the sick intercede for us all. Amen.”mensahe ni Bishop Florencio
Ang Pontificio Collegio Filipino (PFC) sa Vatican ang tinutuluyan ni Cardinal Tagle kasama ang mga Filipinong pari na nag-aaral sa Roma.
Ayon pa kay Bruni, una na ring sumailalim sa swab test si Cardinal Tagle bago pa man ito umalis ng Roma (Sept.7) kung saan siya nakabase na may negatibong resulta.
Si Cardinal Tagle ay nagtungo sa Roma noong Pebrero, makaraan itong italaga ng Santo Papa Francisco sa isa sa pinakamataas na tanggapan ng simbahan.
Bukod kay Cardinal Tagle, tatlo pang obispo na rin ang nagpositibo sa Covid-19 kabilang na si Kalookan Bishop-emeritus Deogratias Iniguez, Manila Apostolic Administrator Broderick Pabillo at Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz.
Si Archbishop Cruz ay pumanaw noong August 26 dahil na rin ng kumplikasyon dulot ng Covid-19.
Nanawagan ang social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mananampalataya na mag-alay ng 10 Hail Mary’s para sa mabilis na paggaling ng Kanyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle ang Prefect of the Vatican Congregation for the Evangelization of Peoples matapos na magpositibo sa Coronavirus Disease 2019.
Ayon kay NASSA / Caritas Philippines National Chairperson Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, mahalaga ang sama-samang pananalangin para sa paggaling ng lahat ng mga nagpositibo sa COVID-10 kabilang na si Cardinal Tagle na siya ring Pangulo ng Caritas Internationalis na nangangasiwa sa kalipunan ng mga Catholic charities sa buong daidig.
Sinabi ng Obispo na isa itong paalala na kinakailangang patuloy na seryosohin ang pagsunod sa mga safety health protocols laban sa COVID-19 kabilang na ang pagsusuot ng face mask, face shield, paghuhugas ng kamay at ang physical distancing.
“[Please] let the good Cardinal know that we are storming heavens with our prayers. We ask all Filipinos to offer 10 Hail Mary’s for Cardinal’s healing and remember him in your daily prayers. This is a call for everyone that we take seriously the necessary precautions against COVID 19. Wear face masks and face shields, observe physical distancing, and sanitize our hands always. Let us help each other by observing this health protocol.”pahayag ni Bishop Bagaforo sa panayam sa Radio Veritas.
Kinumpirma ng Holy See Press Office ang pagpopositibo at pagiging asymptomatic sa COVID-19 ni Cardinal Tagle matapos ang isinagawang pharyngeal swab pagdating nito sa Maynila mula sa Roma.
Unang nag-negatibo sa COVID-19 si Cardinal Tagle sa isinagawang swab test sa Roma noong ika-7 ng Setyembre.