Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Cardinal Tagle, tiwalang matatagpuan ng mamamayan ng Taytay Palawan ang kabutihan ng Panginoon sa pamamagitan ni Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

 470 total views

Napaabot ng pagbati ang Kanyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle kay Taytay Bishop Broderick Pabillo sa pagkakaluklok bilang pinuno ng isa sa bikaryato ng Palawan.

Naniniwala si Cardinal Tagle na sa pamamagitan ni Bishop Pabillo ay mararanasan at matatagpuan ng bawat mananampalataya ang kabutihan ng Panginoon.

Tiniyak din ni Cardinal Tagle ang pananalangin para kay Bishop Pabillo sa kanyang bagong misyon matapos ang 15-taong paglilingkod sa Archdiocese of Manila.

“I pray for you and the Vicariate of Taytay in a special way on this day of your installation. God will show His faithfulness to His people through you, and you will see God’s grandeur through them,” mensahe ni Cardinal Tagle kay Bishop Pabillo sa Facebook post ng Archdiocese of Manila – Office of Communications.

Si Bishop Pabillo ay naging katuwang ni Cardinal Tagle sa loob ng siyam na taon na nagsilbing Arsobispo ng Maynila bago itinalaga ng Santo Papa Francisco bilang Prefect of the Congregation for Evangelization of Peoples na nakabase ang tanggapan sa Roma.

Ang Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan ay nasa pangangasiwa ng Prefect of the Congregation for Evangelization of Peoples na pinamumunuan ni Cardinal Tagle.

Si Cardinal Tagle ay kasalukuyang nasa bansa para sa isang maikling bakasyon.

August 19 naman nang iluklok sa Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan si Bishop Pabillo sa isang payak na pagdiriwang na ginanap sa St. Joseph the Worker Cathedral na pinangunahan ni Puerto Princesa Palawan Bishop Socrates Mesiona.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 28,861 total views

 28,861 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 46,845 total views

 46,845 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 66,782 total views

 66,782 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 83,688 total views

 83,688 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 97,063 total views

 97,063 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 30,743 total views

 30,743 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

Bank Secrecy Law, pina-aamyendahan

 12,171 total views

 12,171 total views Isinusulong ni Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez ang House Bill No. 7 na naglalayong amyendahan ang Bank Secrecy

Read More »
Scroll to Top