Pandemya, paalala upang patatagin ang pananampalataya at paniniwala sa Diyos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,163 total reads

Ito ang mensahe ni Diocese of Cubao Bishop Honesto Ongtioco para sa mga taong nawawalan na nang pag-asa dahil sa patuloy na epekto ng coronavirus disease sa lipunan.

Sa panayam ng Radio Veritas, sinabi ni Bishop Ongtioco na marahil ang nagaganap na krisis sa kapaligiran ay paraan ng Diyos upang mas patatagin ang pananampalataya ng tao lalo na ngayong panahon ng mga pagsubok.

“Siguro ngayon, lalo na sa mga dumaan na maraming pagsubok, sangkap ng buhay ng tao, kung minsan hindi naman dahil gusto ng Diyos na tayo’y pahirapan. Ngunit ito ay paraan upang lalong tayo’y tumibay, mag-mature, maging hinog, maging solido ang ating pananampalataya at paniniwala sa Diyos,” bahagi ng pahayag ni Bishop Ongtioco sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi naman ng Obispo na patuloy na sinisikap ng simbahan ang pagsasagawa ng online masses upang patuloy na maihatid sa mga mananampalataya ang mabuting balita ng Panginoon habang nananatili sa mga tahanan at nag-iingat laban sa epekto ng COVID-19.

“Salamat sa Diyos, may digital technology, may live streaming o online mass para maalagaan din ang pananamplataya ng mga tao at patuloy silang magkaroon ng pag-asa,” ayon kay Bishop Ongtioco.

Paliwanag naman ni Bishop Ongtioco na ang mga imahen ng mga banal o mga istruktura ng simbahan ay sumisimbolo na palagi nating kapiling ang Diyos.

Nagpapahiwatig ito ng pag-asa upang maging matatag sa kabila ng iba’t ibang pagsubok na nararanasan ng bawat tao ngayong pandemya.

“So kapag nakakita tayo ng religious image o symbol o kaya ng simbahan, sinasabi na kailanman di tayo nag-iisa. Kasama natin ang Diyos sa bawat sandali kaya tumawag lang. Humingi sa kanya ng tulong, humingi sa kanya ng lakas at pagpapala,” saad ni Bishop Ongtioco.

Batay sa huling ulat ng Department of Health, naitala nito ang pinakamataas na bilang ng panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa na umabot sa 17,231, habang naitala naman ang 5,595 na mga gumaling at 317 ang mga nasawi.

Sa kabuuang bilang na 1,807,800 naging kaso ng virus sa bansa, nasa 123,251 rito ang aktibong kaso.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 12,375 total reads

 12,375 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 13,595 total reads

 13,595 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 28,127 total reads

 28,127 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 65,505 total reads

 65,505 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 96,775 total reads

 96,775 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 172,213 total reads

 172,213 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 265,079 total reads

 265,079 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 74,088 total reads

 74,088 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top