Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Caritas Manila, binuksan ang YSLEP sa mga biktima ng COVID-19

SHARE THE TRUTH

 644 total views

July 1, 2020, 12:41PM

Bukod sa patuloy na pagtugon sa pangangailangan ng mahihirap na komunidad dulot ng banta ng novel coronavirus, naghahanda na rin ang Caritas Manila para sa pagbubukas ng eskwela ngayong Agosto.

Ayon kay Fr. Anton CT. Pascual, executive director ng Caritas Manila, mula sa 5-libong college scholars ay tumatanggap na rin sila ng mga bagong iskolar ng simbahan sa ilalim ng Youth Servant Leadership and Education Program (YSLEP).

Kabilang na ang mga pamilyang labis na naapektuhan ng krisis na dulot ng pandemic novel coronavirus.

“Kaya ang ating scholarship program na halos 5,000 ay sinisimulan natin, at kumukuha na din tayo ng bagong scholars na mga biktima ng Covid-19: Mga walang trabaho ang magulang. At the same time, pinag-aaralan din natin ng husto on how to help the poor help themselves,” ayon kay Fr. Pascual.

Ayon sa pinakahuling ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ay umaabot sa 17-porsiyento ang unemployment rate ng bansa mula sa dating 5-porsyento noong nakalipas na taon.

Sa nasabing tala, ito ay karagdagang 5-milyon katao ang walang trabaho.

Sa buwan lamang ng Abril may 7.3-milyong manggagawa ang walang trabaho kasunod na rin ng nararanasang krisis dahil sa Covid-19.

Unang inihayag ni Fr. Pascual na bukod sa pamamahagi ng tulong sa urban poor communities, pinaghahandaan din ng Caritas Manila ang pagbibigay ng livelihood training sa mga mahihirap na komunidad upang magkaroon ng source of income.

Sa kasalukuyan dahil sa isinusulong na distance learning ng Department of Education (DepEd) ay umaabot lamang sa 15.9-milyon ang enrollment turn-out ng mga estudyante mula sa pribado at pampublikong paaralan para sa K-12.

Ang target ng DepEd na student enrollee sa pagbubukas ng klase sa Agosto ay 28-milyon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 5,806 total views

 5,806 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 23,790 total views

 23,790 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 43,727 total views

 43,727 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 60,925 total views

 60,925 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 74,300 total views

 74,300 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 15,971 total views

 15,971 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 15,972 total views

 15,972 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

Bank Secrecy Law, pina-aamyendahan

 10,817 total views

 10,817 total views Isinusulong ni Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez ang House Bill No. 7 na naglalayong amyendahan ang Bank Secrecy

Read More »
Scroll to Top