Diocese ng Antipolo naglabas ng panalangin laban sa Covid-19

SHARE THE TRUTH

 525 total views

July 2, 2020-12:19pm

Hingin ang patnubay ng Panginoon sa panahon ng krisis na dulot ng Covid-19.

Ito ang panawagan at panalangin nina Antipolo Bishop Francis de Leon at Auxiliary Bishop Nolly Buco sa mga nasasakupang kawan na patuloy na nangangamba dahil sa novel coronavirus gayundin sa kanilang kabuhayan.

Sa inilabas na video message ng mga obispo na Panalangin  ng mga Pastol nakapaloob din dito ang pakikiisa ng simbahan sa paghihirap na nararanasan ng mga mananampalataya.

“Diyos naming Makapangyarihan, kami ay nagpapasalamat sa biyaya ng buhay na Iyong ipinagkaloob at patuloy na ipinagkakaloob. Inilalapit namin sa Iyo ngayon ang aming mga kalooban na ikaw lamang ang nakakaalam sa kabila ng mga krisis ng aming nararanasan. Gayundin ang mga sakit at hinagpis ng aming mga kapatid na patuloy na tumatanaw sa isang maayos at payapang kinabukasan,” ang bahagi ng panalangin ng mga Obispo laban sa Covid-19 na nakalathala sa antipolodiocese.org.

Gayundin ang panalangin para kanilang kalakasan at kaligtasan mula sa virus at ang paggaling naman sa mga dinapuan ng Covid-19.

Umaasa din ang mga obispo ng Antipolo na mapapawi rin ang suliranin ng mundo mula sa virus sa bisa ng patuloy na panalangin sa Panginoon.

Muli namang pinalawig ng Inter-Agency Task Force ang General Community Quarantine (GCQ) sa lalawigan ng Rizal kung saan naitala ang higit sa 700-kaso ng nahawaan ng Covid-19 na ang pinakamalaking bilang ay mula sa Antipolo City.

 

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 24,383 total views

 24,383 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 35,388 total views

 35,388 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 43,193 total views

 43,193 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 59,797 total views

 59,797 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 75,565 total views

 75,565 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Cultural
Marian Pulgo

A Call to Conscience and Duty

 1,764 total views

 1,764 total views Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), sa mga senador ng Republika ng Pilipinas na igalang at isakatuparan ang kanilang tungkuling

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top