VeritasPH

The Word, The Truth

Caritas Manila at iba pang organisasyon ng Simbahang Katolika nagpadala na ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyong Vinta.

SHARE THE TRUTH

 164 total views

Nagpadala ang Caritas Manila at Father Saturnino Urios University ng 1,500 Relief goods para sa mga nasalanta ng bagyong Vinta sa Cagayan De Oro sa Bisperas ng pagdiriwang ng araw ng Pasko.

Ayon kay Fr. John Young ng FSUU sa Butuan City, inihatid na ngayong umaga ang mga relief goods sa Cathedral ng Saint Augustine sa Cagayan De Oro kung saan inaasahan na ipamamahagi din ito agad sa mga naapektuhang residente.

Tiniyak naman ni Caritas Manila Executive Director at Radio Veritas President Fr. Anton CT Pascual na tutugon pa sila sa pangangailangan ng iba pang mga probinsya na naapektuhan din ng nasabing bagyo.

“People are Suffering, they need help, we are in contact with DSAC (Diocesan Social Action Center) para makatulong ASAP” pahayag ni Fr. Pascual.

Nagpadala naman ang Diocese of Tagum na may 3 libong relief goods sa mga naapektuhan ng bagyo sa Compostela Valley at Davao Del Norte.

Ayon kay Rev. Fr. Emerson Luego patuloy pa silang nangangalap ng donasyon at tulong para sa mga naapektuhan residente.

Kaugnay nito, umapela na din ng tulong si Marawi Bishop Edwin Dela Peña para sa mga nasalanta ng bagyong Vinta sa Lanao Del Sur at Lanao Del Norte.
Magugunitang ilan sa mga naapektuhan residente sa mga nabanggit na lugar ay mga naapektuhan din ng kaguluhan sa Marawi.

Batay sa datos, umabot sa mahigit 5 libong pamilya ang inilikas o nawalan ng tahanan sa Diocese of Iligan dahil sa pinsala ng bagyo.

“We appeal for rice, noodles, canned goods, lagutmon, anything edible, used clothing, etc. It was for this purpose that we were spared from this calamity so that we can express our gratitude by helping the less fortunate among us” Mensahe ni Bishop Dela Peña ng Marawi.

Aminado si Bro. Rey Barrido ng Prelature of Marawi na karamihan sa mga naapektuhang residente ay mga Internally Displaced Person ng naganap na Marawi Seige.

Target aniya nila na makatulong sa may mahigit isang libong pamilya mula sa tinatayang nasa 3 libong pamilya na labis na naapektuhan ng bagyo.

Sa Datos ng NDRRMC, umabot sa 18 libong pamilya o mahigit sa 72 libong inidibidwal ang naapektuhan ng bagyong Vinta.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 12,413 total views

 12,413 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 20,398 total views

 20,398 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 27,934 total views

 27,934 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 43,919 total views

 43,919 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 51,963 total views

 51,963 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Disaster News
Rowel Garcia

Zero fire incident at zero casualty, target ng Diocese of Kalookan

 208 total views

 208 total views Nakikipagtulungan ang Diocese of Kalookan sa tatlong munisipyo sa ilalim ng ng kanilang diyosesis para sa malawak na pagpapalaganap ng impormasyon at kahandaan sa sunog ngayong fire prevention month. Ayon kay Rev.Fr. Benedict Cervantes, Social Action Director ng nasabing diyosesis, nakikipag-partner sila sa lokal na pamahalaan ng Malabon, Navotas at Kalookan para sa

Read More »
Disaster News
Rowel Garcia

Emergency operation plan, isinasapinal na ng Simbahang Katolika

 208 total views

 208 total views Umaasa ang Diocese of Tandag na mas maraming oportunidad ang maipagkakaloob ngayon sa mga taga-Mindanao sa ilalim ng pamunuan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ayon kay Tandag Social Action Director Fr. Antonio Galela, sa mga nagdaang Pangulo ng bansa ay hindi labis na nabigyan pansin ang pagpapa-unlad sa rehiyon ng Mindanao dahilan upang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top