Caritas Manila, naghahanap ng mga volunteer

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 894 total reads

Patuloy na naghahanap ang Caritas Manila ng mga nais maging volunteer at maging lingkod ng social arm ng Archdiocese of Manila.

Sa panayam ng programang Caritas in Action, sinabi ni Ms. Armielyn Sta. Maria, Formation Coordinator ng Caritas Manila Institute of Servant Leadership and Stewardship o Caritas Manila-ISLaS, na bukas ang kanilang tanggapan para sa mga gustong maging kabahagi ng pagtulong sa mga mahihirap at nangangailangan.

Kasabay ng pagpapatupad ng alert level 1 sa Metro Manila, mas naging aktibo ang Caritas Manila-ISLaS sa mga on grounds activity na nangangailangan ng mga indibidwal na ninanais makapaglingkod ng walang hinhintay na anumang kapalit.

Sinabi ni Sta. Maria na maaaring makipag-ugnayan sa tanggapan ng Caritas Manila ang mga nais maging miyembro ng ISLaS Volunteers.

“Pagkakataon na po natin ito na yun may mga mabuting puso at bukal ang kanilang kalooban sa paglilingkod sa kapwa kami po ay bukas para sa mga kapanalig na gustong magbigay ng paglilingkod,” pahayag ni Sta. Maria.

Kahit anong edad at katayuan sa buhay ay maari maging volunteer ng Caritas Manila.

“As long as kayang magbigay ng serbisyo, sa ngayon yung mga Senior [Citizen] nilalagay natin sa council of Elders, si Caritas Manila po walang tinatanggihan kung gustong maglingkod, sila ay merong papalooban na programa para sila ay makatulong pa sa mas nakakarami,” pahayag ni Sta.Maria

Nagpapasalamat naman ang Caritas Manila sa may 2,500 volunteers nito sa Arkidiyosesis ng Maynila na hindi matatawaran ang pagseserbisyo para sa mga mahihirap lalo na sa kasagsagan ng mga quarantine restriction dahil sa COVID-19.

Magugunitang sa kabila ng pandemya ay naging aktibo ang Caritas Manila sa pamamahagi ng ayuda katuwang ang ilang mga pribadong sektor.

Taong 2020, nang maipamigay sa pamamagitan ng Oplan Ugnayan ng Caritas Manila at private sector ang may mahigit 1 bilyong pisong halaga ng gift certificates sa National Capital Region at mga karatig lalawigan para sa mga mahihirap na naapektuhan ng nationwide lockdown sa pangunguna ng mga volunteers.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 231,051 total reads

 231,051 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 262,782 total reads

 262,782 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 364,606 total reads

 364,606 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 405,169 total reads

 405,169 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 416,332 total reads

 416,332 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 109,865 total reads

 109,865 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top