Caritas Manila RJ Ministry, nanawagan ng mga gamut para sa mga bilanggo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 550 total views

Nananawagan ang Caritas Manila-Restorative Justice on Prison Ministry ng tulong sa mga mananampalataya para sa mga gamot sa tuberculosis (TB) at pigsa para sa mga preso sa iba’t ibang kulungan sa bansa lalu na sa Metro Manila.

Ayon kay Sr. Zeny Cabrera ng Caritas Manila RJ Ministry, nagkakahawaan na ang mga preso ng sakit tulad ng TB at ilang pang mga sakit sa balat dahil na rin sa init ng panahon at masikip na piitan.

“Ang apela natin para sa mga kulungan sa panahong ito marami ang nagkakasakit ng TB sakit sa baga. So, gamot ang ating kailangan natin. At dahil yung over congestion sa mga bilangguan hindi ito isang problema na agad-agad na maso-solve pero makakatulong tayo kung makakapagbigay tayo ng gamot lalu na ang sakit sa balat, kapag hindi nalinis ay nagkakahawa-hawa sila,” ayon kay Sr. Cabrera sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi pa ni Sr. Cabrera pansamantalang nahinto ang pagbibigay ng kumpisal sa Manila City Jail kaugnay na rin sa sakit sa baga na kumakalat sa loob ng bilangguan upang hindi makahawa sa mga pari na magbibigay ng sakramento.

“Alalay din natin sa mga pari na medyo paraanin muna. Yun ang sitwasyon,” paliwanag pa ng madre. Bukod sa mga pangangailangang gamot, umaapela rin ang madre sa mananampalataya na magbigay ng mga pagkain para sa mga bilanggo lalu’t patuloy ang pagdami ng bilang ng mga nasa piitan at kinakapos na ang rasyon ng pagkain.”pahayag ni Sister Cabrera

Ayon kay Sr. Cabrera, makipag-ugnayan lamang sa RJ Ministry sa anumang tulong na maaring iabot para sa mga preso dahil sa mahigpit na pinapairal na seguridad sa mga kulungan.

Sa Manila City Jail noong 2016 ay may 4,000 ang mga preso ang nakakulong na para lamang sana sa 800 katao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 51,329 total views

 51,329 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 47,198 total views

 47,198 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 83,400 total views

 83,400 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 91,998 total views

 91,998 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 116,984 total views

 116,984 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top