Catastrophic Diseases

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 93,976 total views

Alam niyo kapanalig, ang pagkakasakit, lalo na pag malubha, ay isa sa mga pangunahing dahilan ng kahirapan ng marami nating mga kababayan.

Ayon sa opisyal na datos, ang mga pangunahing cause of death sa ating bansa ay ang sakit sa puso o ischemic heart disease, kanser, at mga cerebrovascular diseases. 19% ng mga total deaths sa ating bayan ay dahil sa ischemic heart disease habang mga 10% naman ay dahil sa kanser. Ang mga sakit na ito ay catastrophic – maraming komplikasyon, maraming gastos. Kadalasan pa, marami sa ating mga Filipino ay huli ng nada-diagnose sa mga sakit na ito, na lalo pang nagpapahirap sa mga pasyente at kaanak nito. Malala na ang sakit at mahirap ng gamutin.

Kapanalig, isa mga mabisang paraan upang maiwasan ang mga pangyayaring ito ay ang pag-ibabayo at pagpapabuti ng health-seeking behavior ng mga Filipino. Dahil sa hirap at takot sa gastos, marami sa atin ang hindi na nagpapadoktor o nagpapa check up ng regular. Kadalasan, nakakakita na lamang tayo ng mga health professionals kapag hindi na natin makaya ang sakit na nararamdaman, kaya’t sa ER lagi ang tuloy ng Pinoy.

Maliban sa gastos, ang ating sense of resilience ay nakakahadlang din para sa pagpapabuti ng ating health seeking behavior. Lagi nating sinasabi na kaya ko yan, o di kaya wala ito, o bata pa ako. Dahil sa maling paniniwala na ito, ang simpleng sakit, minsan lumalala pa.

Isa pang hadlang sa ating holistic wellness, kapanalig, ay ang kakulangan ng mga health services at health professionals sa ating bayan, lalo na sa mga remote areas. Tinatayang mga 80% nga ng ating mga cardiologists ay nasa Metro Manila dahil sa kakulangan ng mga pasilidad sa ating mga rehiyon. Dagdag pa rito, kapanalig, tinatayang mga 300 lamang ang mga oncologists o cancer doctors sa ating bansa, at karamihan sa kanila, nandito rin sa Metro Manila.

Kaya nga’t kapanalig, ang pagkakaroon ng catastrophic o malalang sakit sa ating bayan ay parang delubyo rin sa mga pamilya. Ubos na ang lakas, ubos din ang pera.

Kapanalig, upang malutas ang problemang ito, ibayong pagtutok ang kailangan, in terms of manpower resources, time, and budget. Kailangan mapalakas natin ang health system ng bayan upang makatutok ito sa pagbibigay serbisyo sa pinakamahirap nating kababayan, at sabay nito, mapag-buti ang wellness ng lipunan sa pamamagitan ng better health-seeking behavior. Kailangan natin mapataas at mapag-tapat o ma-match ang health supply at demand.

Mahirap ito gawin, kapanalig, pero kailangan. At kailangan, manguna ang pamahalaan dito. Nakataya dito ang kalusugan ng tao, na siyang pundasyon ng kalusugan ng bayan. Ang kalusugan ay karapatang pantao, at sabi nga sa Pacem in Terris, susog ng ating karapatan sa kalusugan ay ang ating karapatan na magkaroon ng seguridad sa panahon ng pagkakasakit.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 17,205 total views

 17,205 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 50,287 total views

 50,287 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 78,638 total views

 78,638 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 146,368 total views

 146,368 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 168,170 total views

 168,170 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Upper-middle income na ang Pilipinas

 17,206 total views

 17,206 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 50,288 total views

 50,288 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 78,639 total views

 78,639 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 146,369 total views

 146,369 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »
Scroll to Top