20,242 total views
Tiniyak ng National Economic Development Authority ang pakikipagtulungan sa ibat-ibang kagawaran at ahensya ng pamahalaan upang matiyak na hindi lubhang maapektuhan ng mabilis na inflation rate ang mga Pilipino.
Tinukoy ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan ang nararanasang El Niño, banta ng mataas na pamasahe, arawang sahod, mataas na bayarin sa serbisyo at banta ng La Niña.
“While we continue to face multiple risks, such as potential adjustments in transportation fares, wages, and service utility fees, the Marcos Administration is committed to managing the country’s inflation. This will be key to sustaining our growth momentum and providing a better life for our countrymen,” ayon sa mensahe ni Balisacan na ipinadala ng NEDA sa Radio Veritas.
Dahil sa banta ng taginit at tag-ulan, itinalaga ang Department of Environment ang Natural Resources para tiyakin ang sapat na supply ng malinis na tubig sa bansa.
Habang nakaatang naman sa Department of Agriculture ang pagtiyak na mababawasan ang pasakit na dulot ng tagtuyot sa mga magsasaka at maiwasan ang kakulangan ng suplay ng pagkain.
Tutugunan naman ng Department of Social Welfare and Development ang suliranin ng mga pinakamahihirap na sektor ng lipunan sa kanilang pangangasiwa sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps at paggagawad ng 100% discount sa electric bills ng mga benepisyaryo na sasalain ng kagawaran.
“To ensure sufficient water supply and support our farmers during the dry season, the Department of Environment and Natural Resources has been tasked with monitoring water supply in the country. Simultaneously, the Department of Agriculture (DA) is proactively extending assistance to farmers adversely affected by the drought,” ayon pa mensahe ni Balisacan.
Pinaghahandaan ng NEDA ang mabilis na inflation rate na naitala noong Marso na umabot sa 3.7-percent kumpara sa 3.4% noong Pebrero 2024.
Patuloy naman ang pandaigdigang pagkilos ng “Economy of Francesco” na pinamumunuan ni Italian economist Luigino Bruni para isakatupan ang panawagan ni Pope Francis sa mga ekonomista at kabataan na baguhin ang sistema ng ekonomiya ng buong mundo na kasama sa pag-unlad ang mga mahihirap at napapangalagaan ang kalikasan.