Mahalaga ang gampanin ng Catholic Media para labanan ang ‘fake news at maging bahagi tungo sa pagkakaisa at pagkakasundo.
Ito ang pagninilay ni Bishop Mylo Hubert Vergara-Chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Social Communication sa isinagawang 4th National Catholic Media Convention sa Davao City.
“Catholic Media practitioners can combat fake news and be journalist of peace if they are men and women of prayer exposed to the Eucharistic Lord, Jesus who is the Prince of Peace,” pagninilay ni Bishop Vergara.
Ang pagtitipon ay nagsimula ika-6 hanggang ika-9 ng Agosto na ginaganap sa Davao City na dinaluhan ng mga kinatawan ng iba’t ibang church media sa buong bansa.
Ayon sa Obispo, mahalaga na ang bawat isa ay nanalangin at nagsisimba dahil Panginoong Hesus ay ang katotohanan at ang daan para sa kapayapaan at pagkakaisa.
Sa isang mensahe ni Pope Francis sa ‘World Communications Day’ binigyang halaga ng Santo Papa ang responsibilidad ng bawat isa sa paghahayag ng katotohanan dahil ang mga maling impormasyon ay nagdudulot ng panlilinlang na nakaapekto sa lipunan.






