Stop TRAIN law

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 446 total reads

Dapat ihinto ng pamahalaan ang pagpapataw ng buwis sa mga produktong langis.

Ito ang inihayag ni Rosario Bella Guzman, Director ng IBON Foundation kaugnay sa muling pagtaas ng inflation rate sa bansa na naitala sa 5.7% nitong buwan ng Hulyo base sa datos Philippine Statistics Authority.

Ayon kay Guzman, tumataas ang presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado na pang tumataas sa Pilipinas dahil sa ipinapataw na buwis, excise at value added tax.

Binigyan diin ni Guzman na ang ipinatupad ng pamahalaan na reporma sa pagbubuwis o ang Tax Reform for Accelaration and Inclusion (TRAIN) Law ay nagdudulot ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin na lalong nagpapabigat sa pasanin ng mamamayan.

“Ang masasabi lang namin sa tuloy-tuloy na pagtaas for the last 7 months na pagtaas ng presyo ng bilihin is mostly TRAIN [Law] triggered, ito ay itinulak talaga ng pagbubuwis ng mga petroleum products, sa iba pang mga produkto and commodities. The government should inhibit o should stop dun sa pagbubuwis sa petroleum products excise and value addd tax.” pahayag ni Guzman sa Radio Veritas.

Sa pag-aaral ng IBON Foundation, sa tinatayang 30 porsiyentong pinakamahirap sa bansa mas mataas pa sa 5.7 porsiyento ang inflation na kanilang nararanasan dahil mas higit na tumaas ang presyo ng mga pagkain.

Anila, tinatayang nasa 60 milyong mahihirap na Filipino ang mababawasan ng kanilang kita dulot sa pagtaas ng inflation rate.

Halimbawa ang mga kumikita ng mahigit sa 7-libong piso kada buwan ay nababawasan ng 993-piso at ang kumikita ng 21-libong piso ay nababawasan naman ng mahigit sa 2 libong piso.

Ipinaliwanag ni Guzman na labis ang epekto nito sa mga mahihirap sa bansa dahil ang spending pattern sa nasabing sektor ay 60 porsiyento ng kanilang gastusin ay sa pagkain.

Dahil dito umapela ang iba’t ibang grupo kabilang na ang Simbahang Katolika sa pamahalaan na suriin at ihinto ang pagpapatupad ng TRAIN Law dahil lalo itong nagpapahirap sa mamamayan lalo na sa mga walang sapat na pinagkakakitaan at kabuhayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 22,349 total reads

 22,349 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 53,621 total reads

 53,621 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 132,169 total reads

 132,169 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 226,395 total reads

 226,395 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 286,209 total reads

 286,209 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top