Catholic schools, kinilala ng Obispo sa pagpapalaganap ng misyon ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 972 total views

Ibinahagi ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco na malaki ang maitutulong ng iba’t ibang Catholic institution sa pagpapalawig ng misyon ng simbahan sa lipunan.

Sa pagninilay ng obispo sa ginanap na Holy Spirit mass ng Diocese of Cubao Education System, binigyang diin nito ang mahalagang tungkulin ng Catholic schools sa pagbibigay pag-asa sa mamamayang humihina ang pananampalataya bunsod ng mga hamong kinakaharap.

“This is where we see the importance of our mission as a Catholic institution, it is to bring the gift of hope to many,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Ongtioco.

Batid ng obispo ang matinding hamon na pinagdaanan ng mga paaralan lalo na sa new normal sa larangan ng edukasyon sa pamamagitan ng blended learning dahil sa epekto ng pandemya.

Tiwala ang pinunong pastol ng diyosesis na sa pamamagitan ng paggabay ng Banal na Espiritu ay mapagtagumpayan ang bawat suliranin at higit na manaig ang diwa ng pagibig ng Diyos sa sanlibutan.

“Still, insipite of many problems we are determined to continue for we believe in our mission; we will be always guided by the Holy Spirit,” giit pa ng obispo.

Hamon pa ni Bishop Ongtioco sa mananampalataya na ipagpatuloy ang paglingap sa labis nangangailangan sa lipunan at maging instrumento ng pag-ibig ni Kristo.

Kinilala ng obispo ang pagtutulungan ng pamayanan sa gitna ng pandemya tulad ng community pantries na umagapay sa pangangailangan ng mga labis naapektuhan ng pandemya.

“God used many people to make them channels of his love to give hope to others to make them realize that God is not distant, He’s close to us through people He sends into our lives,” dagdag pa ni Bishop Ongtioco.

Nagpasalamat naman ang obispo sa mga magulang na patuloy ipinagkatiwala ang paghuhubog ng kanilang mga anak sa parochial schools’ ng diyosesis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 13,044 total views

 13,044 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 13,044 total views

 13,044 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 13,044 total views

 13,044 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 12,547 total views

 12,547 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 11,354 total views

 11,354 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top