CBCP-ECL, nakikiisa sa 1GODLY vote campaign

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 859 total reads

Nagpahayag ng pakikiisa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity sa layunin at prinsipyo ng election campaign na One Godly Vote bilang paghahanda sa nakatakdang halalan sa bansa.

Ayon kay Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo na siyang chairman ng kumisyon nag-iisa lamang ang boto ng bawat mamamayan na maituturing na kontribusyon para sa kinabukasan ng bayan.

Ipinaliwanag ng Obispo na dapat maging maingat at mapanuri ang bawat botante sa pagpili ng mga kandidato sa pagsasaalang-alang ng ikabubuti ng bayan na ninanais ng Diyos para sa halip na pansariling kapakinabangan .

“Ang isang principle One Godly Vote, isa lang naman talaga ang hawak nating boto –ang boto natin kaya yung boto natin ay dapat maging talagang conscientious kasi isa lang yan at yan yung kontribusyon natin sa bayan. So make everyone aware na ang boto nila ay mahalaga at dapat ang boto natin ay Godly Vote kaya i-consider din natin ang Diyos sa boto natin, hindi lang natin tinitingnan ang ating relasyon sa politiko, ang kanilang ginawa sa atin, ang kanilang mga pangako dapat titingnan din natin sila kung ano yung pananaw ng Diyos paano bobotohin ang mga tao so One Godly Vote.” pahayag ni Bishop Pabillo.

Partikular na tinukoy ni Bishop Pabillo ang Catholic Social Teachings o ang panlipunang katuruan ng Simbahan upang magsilbing gabay para sa pagkakaroon ng isang tunay at ganap na Godly vote ng bawat botante sa nakatakdang halalan.

Pagbabahagi ng Obispo, nasasaad sa Catholic Social Teachings ng Simbahan ang ilan sa mahahalagang pamantayan ng Panginoon na maaring maging batayan ng mga botante sa pagpili ng mga karapat-dapat na opisyal na bayan.

Ayon kay Bishop Pabillo, kabilang sa mga pamantayang ito ay ang posisyon at paninindigan ng mga kandidato kaugnay sa mga mahahalagang usaping panlipunan tulad ng human rights, pangangalaga sa kalikasan at dignity of life ng bawat mamamayan.

“Para maging Godly ang vote natin mayroon tayong mga principles na sinusunod, yung social teachings mga katuruan na panlipunan na matagal ng ibinibigay ng Simbahan yun. Paano yun, mayroon tayong mga criteria tulad ng solidarity, tulad ng subsidiary, tulad ng human rights, tulad ng environment may mga principles po tayong sinusunod, tulad ng dignity of life dapat nakikita natin kung ang mga kandidato ba ay sumusunod sa ganitong prinsipyo.” Dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Unang nabuo ang konsepto ng One Godly Vote noong taong 2019 na naglalayong gabayan ang bawat botante para sa naganap na Midterm Elections sa bansa kung saan higit pang pinaigting ang prinsipyo at konsepto nito upang maisulong ang maka-Diyos na pagboto ng bawat mamamayan para sa nakatakdang 2022 National and Local Elections.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 10,059 total reads

 10,059 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE POSTPONEMENT

 25,027 total reads

 25,027 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 128,678 total reads

 128,678 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 169,236 total reads

 169,236 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 189,690 total reads

 189,690 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 237,523 total reads

 237,523 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, Tatalima sa Batas

 10,060 total reads

 10,060 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »
Scroll to Top