Gambling, ugat ng krimen, corruption at pagkasira ng pamilyang Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 995 total reads

Nanindigan si Ozamis Archbishop Martin Jumoad na negatibo ang epekto ng pagpapahintulot sa mga pasugalan sa bansa.

Ipinaliwabag ng arsobispo na kaakibat ng sugal ang iba pang bisyo na kahuhumalingan ng tao na maaring magresulta sa pagtaas ng kriminalidad sa lipunan.

“Evil is evil, vice is vice and it will not enhance the virtue mas mahirap pa baka maging gambling capital ang bansa at mahirap na ito kontrolin; kung may gambling may other vices din yan,” pahayag ni Archbishop Jumoad sa Radio Veritas.

Kamakailan ay inalis ng Pangulong Rodrigo Duterte ang moratorium sa pagtatayo ng mga casino sa bansa.

Ayon sa pangulo makatutulong ang karagdagang kita ng mga pasugalan upang pondohan ang patuloy na pagtugon ng pamahalaan sa krisis bunsod ng coronavirus pandemic.

Dahil dito maaring maipagpatuloy ang pagtatayo ng 500 million-dollar integrated casino sa Boracay Island.

Iginiit naman ni Archbishop Jumoad na lubhang mapanganib sa mamamayan ang pagkakaroon ng mga pasugalan sapagkat nag-uugat din ito ng pagkasira ng pamilya at maging ng korapsyon sa lipunan.

“Ako categorically will speak NO talaga sa sugal kasi magkokonek ito sa ibang crimes, family will be destroyed; relationship between the husband and wife as well as the relationship with children, kung wala ng pera pantustos sa sugal maaring magnakaw at simula ng korapsyon,” giit ni Archbishop Jumoad.

Una nang nanindigan ang simbahang katolika sa pangunguna ng Dicastery for Promoting Integral Human Development na ang pagpapahintulot sa sugal ay magdudulot ng pagkagumon ng mamamayan sa makamundong bagay at iginiit na ‘unethical’ na pamamaraan para kumita upang tustusan ang pangangailangan ng tao.

Samantala tutol din ang mga residente ng Boracay sa planong pagtatayo ng mega casino sa lugar sapagkat banta rin ito sa kapakanan ng mamamayan lalo ng mga katutubong maapektuhan.

Ayon kay Malay Councilor Nenette Aguirre Graf, kayang kumita ng hanggang 60 bilyong piso ang Boracay Island kahit na walang casino sa lugar.

Dismayado rin ang maraming grupo sa desisyon ng punong ehekutibo na payagan ang pagtatayo ng mga bagong casino sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THE LOST LESSONS

 40,872 total reads

 40,872 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 91,234 total reads

 91,234 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 223,573 total reads

 223,573 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 308,956 total reads

 308,956 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 370,270 total reads

 370,270 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top