122 total views
Nagpaabot ng pagbati at pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-apat na taong anibersaryo ng Encyclical na Laudato Si si Balanga Bishop Ruperto Santos, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People.
Ayon sa Obispo, ipinapaalala ng pagdiriwang na ang daigdig ay biyaya ng Panginoon sa sanlibutan upang maging tahanan ng bawat nilalang.
Sinabi ng Obispo na sa pamamagitan ng mundo at ng mga biyayang nakukuha dito ay naipadarama ng Diyos ang kanyang pagmamahal sa bawat tao.
Dahil dito, sinabi ni Bishop Santos na mahalagang mapangalagaan at hindi maabuso ang daigdig at ang lahat ng buhay na naririto dahil sa tao iniatas ng Panginoon ang pinakadakilang tungkulin na pangalagaan at pagyabungin ang san nilikha.
“A gift of God to us. God created the whole world as our home. It is His love for us. As His gift we should take good care of it, not misuse it nor abused it. As our home and as our only earthly home we have to sustain and protect, never ruin it. As God’s love us, we are accountable to God for it. So we are called to be faithful and responsible caretaker of God’s creation.” mensahe ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.
Hinimok naman ni Bishop Santos ang mga mananampalataya na bigyan ng mataas na paggalang ang kalikasan at ipagtanggol mula sa mga mamumuhunang pinagkakakitaan ang kalikasan.
Ayon sa Obispo, tinatawag din na inang kalikasan ang daigdig dahil ito ang nagbibigay ng lahat ng pangangailangan ng mga tao.
Gayunman, hindi ito dapat angkinin ng iilang maykapangyarihan dahil ang daigdig ay nilikha para sa lahat at nakasalalay din dito ang magiging kinabukasan ng susunod na henerasyon.
“We call earth as mother. Mother gives life, maintains and promotes life. Mother Earth has everything to make our lives full and fruitful. And to a mother as loving sons and daughters we give our respect and obedience. So let us respect and obeys the laws of nature. Earth is not for profit, nor private ownership. Earth is not battleground. Earth is not garbage bins. It is a gift from God, our home and our legacy for future generation.” Dagdag pa ni Bishop Santos.
Ika-18 ng Hunyo ginunita ang ika-apat na taon ng pagsasapubliko ng encyclical na Laudato Si.
Ito ang ikalawang encyclical na nilathala ni Pope Francis kasunod ng Lumen Fidei. Subalit, itinuturing ito na kauna-unahang encyclical na patungkol sa tamang pangangalaga sa Kalikasan.
Kasunod nito, naghahanda ang mga mananampalataya para sa paglulunsad ng grupo ng mga kabataang nagsasabuhay ng mga turo sa encyclical.
Sa ika-22 ng Hunyo, ilulunsad ang Laudato Si-Gen Pilipinas, sa Quezon Memorial Circle, sa ilalim ng temang “Filipino Youth, Standing for the Future of Our Common Home.”
Sisimulan ang pagtitipon sa pamamagitan ng banal na misang pangungunahan ni Caceres Abp. Rolando Tria Tirona – Chairman ng CBCP NASSA/Caritas Philippines.
Susundan pa ito ng mga programang magpapalalim sa pag-unawa ng mga kabataan sa mga suliraning kinakaharap ng kalikasan.
Ang pagtitipon ay pinangungunahan ng Global Catholic Climate Movement – Pilipinas kasama ang iba’t-ibang mga Catholic Schools, Non-Government Organizations, mga makakalikasang grupo at ang Radyo Veritas.