Kabataan, inaanyayahan sa launching ng Laudato Si Gen-Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 706 total reads

Inaanyayahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga kabataan na makiisa sa paglulunsad ng Laudato Si Gen (Generation) – Pilipinas, ngayong ika-22 ng Hunyo, araw ng sabado.

Ayon kay Cardinal Tagle, mahalagang matutunan ng mga kabataan kung paano maisasabuhay ang encyclical ng Kanyang Kabanalan Francisco na patungkol sa Kalikasan o ang Laudato Si.

Iginiit ng Kardinal na mahalagang matutunan sa murang edad pa lamang ang tamang pangangalaga sa kapaligiran dahil ito ay katumbas din ng pangangalaga sa kapwa.

Naniniwala si Cardinal Tagle na kung magagawa ng mamamayan ang tamang istilo ng pamumuhay na hindi nakasisira sa kalikasan ay maaari pang madatnan ng susunod na henerasyon ang kagandahan ng daigdig na biyaya ng Panginoon.

“Ito ay panawagan sa mga kabataan, habang bata kayo ay matutunan na kung paano pangalagaan ang ating mundo at ang kapwa, sa pamamagitan ng tamang espirituwalidad at tamang istilo ng buhay… Alagaan nain an gating kalikasan, an gating mundo, nang meron pa tayong maipasang mundo sa susunod na henerasyon.” pahayag ni Cardinal Tagle sa Radyo Veritas.

Unang nagpahayag ng pakikiisa sina Balanga Bishop Ruperto Santos at, San Fernando, La Union Bishop Daniel Presto sa paglulunsad ng Laudato Si Gen-Pilipinas.

Read: CBCP-ECMI, nakikiisa sa 4-taong anibersaryo ng Laudato Si

Inaasahan namang libu-libong mga mananampalataya at mga kabataan ang makikiisa sa gaganaping pagdiriwang simula alas syete ng umaga sa Hardin ng mga Bulaklak sa Quezon Memorial Circle.

Ang paglulunsad na ito ng Laudato Si Gen ay bahagi din ng pagdiriwang ng ika-apat na taon ng Encyclical na Laudato Si na isinulat ng Santo Papa.

Kaugnay dito, kamakailan lamang ay muling inihayag ni Pope Francis ang “Climate Emergency” na umiiral ngayon sa mundo.

Bunsod nito nanawagan ang Santo Papa sa bawat tao ng kagyat na solusyon upang mabawasan ang carbon emissions at maibsan ang sobrang pag-init ng daigdig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BRIGHT LIGHTS, TIGHTER WALLETS

 86,519 total reads

 86,519 total reads Kapanalig, sa pagsapit ng pasko., ito ay hindi lamang isang petsa sa kalendaryo, kundi apat na buwang “season of hope” sa ating mga

Read More »

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 144,679 total reads

 144,679 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 281,189 total reads

 281,189 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 396,585 total reads

 396,585 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 47,651 total reads

 47,651 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 77,184 total reads

 77,184 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 70,027 total reads

 70,027 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top