Pagtaas sa SSS contributions ng mga OFW, hindi makatarungan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 381 total reads

Umaapela ang pamunuan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People sa pamahalaan na ihinto ang pagpapatupad sa mandatory na pagtaas sa Social Security System contribution ng mga Overseas Filipino Workers.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, Chairman ng Komisyon, dagdag pahirap at gastos lamang ito sa mga OFW kaya’t dapat itong pigilan.

“We at CBCP-ECMI, also support and appeal for a temporary restraining order (TRO) of the implementation of SSS rationalization act. It is an added financial burden and will cause more difficulties to our OFWs,” pahayag ni Bishop Santos.

Aniya, hindi makatarungan ang bagong rates na ipatutupad ng SSS lalo na sa mga seafarer at dapat hindi ito kasama sa pagkuha ng mga overseas employment certificates.

“The newly increased rates are unfair, and impaired the existing employment contracts of our OFWs, especially the seafarers, payments to these SSS, Phil health or Pag-ibig should never be tied to the issuance of overseas employment certificates,” ani ng Obispo.

Batay sa nilagdaang Republic Act 11199 o Social Security Act of 2018, lahat ng mga land-based at sea-based OFW ay dapat maging miyembro ng SSS.

Layunin nitong makapangalap ng pondong higit sa 31 bilyong piso sa pamamagitan ng nasabing batas.

Pinapalawak at ini-rationalize ang kapangyarihan ng SSS sa ilalim ng Section 9-A ng nasabing batas kung saan kinakailangan na maging kasapi ng SSS ang lahat ng mga may trabaho na hindi lalagpas sa 60 taong gulang.

Iginiit ni Bishop Santos na dapat suriin ng pamahalaan ang nasabing batas dahil malaking epekto ito sa kabuhayan ng mga OFW.

“Our OFWs should be assisted, helped and promoted not to be burdened; and so there should be a moratorium on the increase of SSS contributions,” giit ni Bishop Santos.

Una nang kinilala ng Kanyang Kabanalan Francisco ang mga OFW sa malaking ambag sa lipunan hindi lamang sa pang-ekonomiyang aspeto kundi sa pagtataguyod ng kanilang pamilya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 8,210 total reads

 8,210 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 47,798 total reads

 47,798 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 83,110 total reads

 83,110 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 309,379 total reads

 309,379 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 202,253 total reads

 202,253 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top