CBCP-ECPPC, nanawagan muli ng Volunters in Prison Service sa paggunita ng Prison Awareness Sunday

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,601 total reads

Inihayag ng Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (CBCP-ECPPC) ang tema ng nakatakdang paggunita ng Prison Awareness Sunday sa susunod na buwan ng Oktubre, 2023.
Napiling tema ng 36th Prison Awareness Sunday ang “The Correctional Community: Journeying Together in Mutual Support on a Mission of Love” na layuning paigtingin ang pagmimisyon para sa kapakanan ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) o mga bilanggo.
Ayon sa prison ministry ng Simbahang Katolika, mahalagang patuloy na magkaisa ang lahat upang maging daluyan ng habag, awa at pagmamahal ng Panginoon maging sa mga bilanggo na patuloy na nangangailangan ng suporta at pag-agapay upang makapagbagong buhay.
Nakatakda ang 36th Prison Awareness Sunday sa ika-29 ng Oktubre, 2023.
Ang taon-taong paggunita ng Prison Awareness Sunday ay naglalayong pukawin ang damdamin ng mga mamamayan na bigyang pansin ang kalagayan ng mga bilanggo sa buong bansa.
“In observance of the 36th Prison Awareness Sunday on October 29, 2023, the CBCP-ECPPC has chosen the theme “The Correctional Community: Journeying Together in Mutual Support on a Mission of Love.”, which is in keeping with the Catholic church’s mission to journey with our incarcerated brethren and the other pillars of justice and do its best to address their most urgent needs.” Ang bahagi ng anunsyo ng CBCP-ECPPC.
Taong 1987 itinakda ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care ang huling Linggo sa buwan ng Oktubre bilang Prison Awareness Sunday o araw upang alalahanin at bigyang pansin ang kapakanan at kalagayan ng mga bilanggo sa bansa.
Kaugnay nito patuloy ang panawagan ng prison ministry ng CBCP para sa karagdagang mga Volunteers in Prison Service upang makatuwang ng Simbahan sa paglilingkod sa mga bilanggo sa buong bansa.
Sa kasalukuyan mayroong 86 na unit of volunteers ang Simbahan mula sa iba’t ibang diyosesis na mayroong 20 hanggang 100 prison volunteers na nakatalaga sa bawat bilanguan.

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 8,921 total reads

 8,921 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nalulugi ang transportasyon

 21,062 total reads

 21,062 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 50,330 total reads

 50,330 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 98,596 total reads

 98,596 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 120,685 total reads

 120,685 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 219,308 total reads

 219,308 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 8,922 total reads

 8,922 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

NAMFREL, dismayado sa pagpapaliban ng BSKE

 21,025 total reads

 21,025 total reads Dismayado ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa panibagong pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE, na nakatakda sanang

Read More »
Scroll to Top