Pakikibahagi ng mamamayan sa pagtugon sa climate crisis, pinuri ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,765 total reads

Kinilala ng social arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang paninindigan ng publiko upang makibahagi sa pagtugon sa krisis sa klima at kalikasan ng bansa.

Ayon kay Caritas Philippines President at Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, malaki ang magagawa ng sama-samang pagtutulungan at panawagan ng mamamayan upang mabigyang-pansin ang mga nangyayaring pagbabago sa kapaligiran.

Nababahala ang obispo dahil ang patuloy na epekto ng nagbabagong klima ay nagdudulot ng labis na pinsala hindi lamang sa kapaligiran, kun’di higit sa buhay ng mga tao lalo na sa mga mahihirap.

“Climate change is a real threat to the Philippines. We need to take urgent action to address this crisis, and we need to ensure that the most vulnerable are protected.” pahayag ni Bishop Bagaforo.

Patuloy na sinisikap ng Caritas Philippines na paigtingin ang kamalayan ng publiko hinggil sa climate crisis at ang epekto nito sa mga mahihirap na mamamayan.

Iginiit ng institusyon na ang pakikiisa ng publiko upang tutulan ang pagmimina at iba pang mapaminsalang industriya ay palatandaang alam ng mga tao ang negatibong kahihinatnan ng kapaligiran at lipunan mula sa mga ganitong uri ng gawain.

Muli namang binanggit ni Bishop Bagaforo ang paninindigan ng simbahan sa pag-alis sa pamumuhunan sa paggamit ng fossil fuel, at hinikayat ang lahat na sumunod din sa inisyatibo para sa ikabubuti ng lahat at ng mga susunod pang henerasyon.

“The Philippine Catholic Church has committed to divest from fossil fuels by 2025, and we urge other organizations and institutions to do the same. We need to move away from these destructive industries and invest in sustainable development, for the sake of our common home.” saad ni Bishop Bagaforo.

Taong 2019 nang maglabas ng pahayag ang CBCP hinggil sa ‘divestment’ sa mga institusyong sumusuporta sa maruming enerhiya, at Pebrero 2022 naman ng muling manawagan para sa sama-samang pagtugon sa krisis sa klima ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 13,187 total reads

 13,187 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 98,146 total reads

 98,146 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 192,477 total reads

 192,477 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 254,163 total reads

 254,163 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 299,439 total reads

 299,439 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 209,778 total reads

 209,778 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top