Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

CBCP sa mga kabataan, sign-off muna sa social media ngayong Kuwaresma

SHARE THE TRUTH

 281 total views

Hinihikayat ng opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Youth (CBCP-ECY) ang mga kabataan na bawasan ang paggamit ng ‘social media’ ngayong kuwaresma bilang isang paraan ng kanilang pangingilin.

Ayon kay Fr. Cunegundo Garganta-executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Youth sa halip ay bigyang tuon ang pakikisalamuha na makakatulong hindi lamang sa sarili kundi sa kapwa.

“Hindi man totally to turn it off but to lessen. Kasi may mga bagay na enriching naman continue on that pero sa mga bagay na nakakaubos ng oras pag-aralan nilang bawasan. Too much engagement into social media can also be timewasting, umuubos tayo ng oras na hindi naman makabuluhan,” ayon kay Fr. Garganta.

Ayon kay Fr. Garganta hindi naman maitatanggi na malaki ang gamit ng social media sa kasalukuyang panahon lalu na ang mga kabilang sa Generation Z at Millenials sa araw-araw na komunikasyon at pakikipag-ugnayan.

Sinabi ng pari na patuloy naman ang simbahan sa paghikayat sa mga kabataan na makiisa sa paghahanda at mga gawaing pangsimbahan sa panahon ng pagkabuhay ni Kristo sa pamamagitan ng pananalangin at pagninilay.
Posting on social media
Bukod dito, hindi rin minamasama ng simbahan ang pagpo-post ng mga larawan na nakagawian hindi lamang ng mga kabataan kundi ng lahat sa kanilang pagdalo sa iba’t ibang programa na may kaugnayan sa pagdiriwang ng Kuwaresma.

Payo rin ni Fr. Garganta, huwag lamang kakaligtaan ng bawat isa na mag-focus sa ilang mga serbisyo sa loob ng simbahan lalu na sa misa na kainakailangan ng pananahimik at pananalangin upang hindi makaabala sa ibang dumadalo sa pagdiriwang.

“Choose images, activities na worth sharing it can have a positive impact not only for the self kundi para din sa iba na makakakita,” dagdag pa ni Fr. Garganta.

Sa isang dokumento ng simbahan na may titulong ‘Church and the Internet’ kinilala nito ang makabagong teknolohiya bilang biyaya sa sangkatauhan, bagama’t hinihikayat ang lahat na gamitin ito para sa pakikipag-ugnayan, pagkakasundo at pagpapahayag ng Mabuting Balita.

Sa ulat, ang Pilipinas mula sa kabuuang populasyon ng bansa na higit sa 100 milyon -may 47 milyon ang active Facebook users.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Witch hunt?

 15,017 total views

 15,017 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 28,977 total views

 28,977 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 46,129 total views

 46,129 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 96,396 total views

 96,396 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 112,316 total views

 112,316 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 164,395 total views

 164,395 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 108,241 total views

 108,241 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Scroll to Top