Kaduwagan ang Pagpapabaya sa Dangal ng Kababaihan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,010 total reads

Kapanalig, ang babae ay dapat ginagalang.

Ang hirap sa ating lipunan, ang bilis natin makalimot sa angking dignidad ng bawat tao. Parang namimili tayo. Yung may kaya at malakas ang ating pinapanigan. Yung mga bulnerable, gaya ng bata ng ng babae, madalas nating iniiwan.
Kapanalig, ayon mismo sa ating opisyal na depinisyon ng Violence Against Women, ito ay “An act of gender-based violence that results in, or is likely to result in, physical, sexual, or psychological harm or suffering to women, including threats of such acts, coercion or arbitrary deprivation of liberty, whether occurring in public or in private life. It encompasses all forms of violation of women’s rights, including threats and reprisals, exploitation, harassment, and other forms of control.”

Nakakalungkot na mismong ating pamahalaan ay nakakayanang lapastangin ang pagkatao ng mga babae. Hindi ito biro, at kailanman hindi pwede maging biro ang dangal ng babae. Hindi ka dapat tumawa kapag ang dangal ng babae o ng kahit sinuman ay ginagawa lamang kakatawanan. Dapat yan ay pinapalagan.

Tunay nga bang nasa psyche na ng mga Filipino na mababa ang antas ng pagkatao ng babae at ang kanyang pagiging “useful” ay nakasalalay na lamang sa kanyang angking kasarian?

Kung titingnan natin ang mga datos, nakakapanlumo. Hindi lamang ang pamahalaan natin ngayon ang mababa ang tingin sa babae. Isipin niyo na lamang, ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), 86.3% ng mga krimen laban sa babae sa ating bayan ay paglabag sa Violence against Women law, sunod ang lasciviousness o pangmomolestiya, sunod ang rape.

Anong klaseng lipunan ba meron tayo kung wala tayong galang sa mga babae?
Kapanalig, magising na tayo. Hindi dapat tayo nanahimik kung pagkatao at dangal ng kapwa ang nilalapastangan. Hindi tayo dapat tumatawa sa pang-aapi ng iba. Hindi tayo dapat nanahimik kung may nasasaktan na.
Sa ating pananahimik at pakikisama lalong nasisira ang ating lipunan. Kaduwagan ang pananahimik kung ang kababaihan na sa iyong lipunan ang binaboy ng mga taong dapat nangangalaga sa kanila. Kasalanan ang pagtawa sa panlilibak sa pagkatao ng kapwa.

Kapanalig, ayon sa Gaudium et Spes, lason sa lipunan ang anumang bagay na nag-iinsulto sa dignidad ng tao, babae man o lalake. Huwag nating hayaang dahan dahan tayong patayin ng lason na ito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 58,466 total reads

 58,466 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 137,612 total reads

 137,612 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 171,057 total reads

 171,057 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 206,355 total reads

 206,355 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 430,513 total reads

 430,513 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 58,467 total reads

 58,467 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 137,613 total reads

 137,613 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 171,058 total reads

 171,058 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 206,356 total reads

 206,356 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top