9 na araw ng dasal at pag-aayuno, ilulunsad ng GOMBURZA

SHARE THE TRUTH

 199 total views

Ang pagdadasal at pag-aayuno ay isang mahalagang salik sa panahon ng Kuwaresma upang muling makabalik ang bawat isa sa Panginoon Diyos.

Ito ang panawagan ni Fr. Robert Reyes, Spokesperson ng religious group na Gomburza, isang national movement ng mga religious, diocesan priests, sisters at laity na nagsusulong ng katarungang panlipunan para sa mamamayan kaugnay sa nakatakdang 9 na araw na pagkilos ng grupo bago ang anibersaryo ng People Power 1 revolution.

Ayon sa Pari ang mga kaso ng patuloy na pagpatay, kabastusan at kawalang moralidad ng maraming mga opisyal ng bayan, pagkakahati-hati ng mga mamamayan at maging ang pagtatangka ng mga mambabatas na palitan ang konstitusyon ay bunga ng pagtalikod ng bayan sa Panginoon.

Gayunpaman nilinaw ni Fr. Reyes na sa halip na solusyon ay tanging pagdadasal at pag-aayuno ang panawagan ng grupo para sa muling pagbabalik ng kaayusan sa lipunan.

“Kuwaresma na kailangan nating tumahak sa tamang landas, ang landas na sumusunod sa Panginoon, ang tingin namin parang yung mga nangyayari sa bansa natin yung pagtatangka na palitan ang konstitusyon ang patuloy na pagpatay, ang kabastusan ng moralidad ng maraming mga nakaupo, pagkakahati-hati ng mga iba ibang mga grupo, ito’y bunga ng pagtalikod sa Diyos, kaya hindi kami magpi-prescribe ng anumang solusyon pero ang panawagan, magdasal at mag-ayuno basic ito sa kuwaresma dasal at ayuno, dahil ang dasal at ayuno ay magbabalik sa ating lahat sa Panginoong Diyos…”pahayag ni Fr.Reyes sa panayam sa Radyo Veritas.

Ang 9 na araw na pagkilos na inaasahang magsisimula sa ika-17 ng Pebrero hanggang sa araw ng ika-32 anibersaryo ng People Power Revolution ay may titulong “Dasal at Ayuno Laban sa Cha-Cha, Para sa Demokrasya: Pag-amin, Pagtitika, Pagbabago at Pagkakaisa”.

Kaugnay nito ilan sa mga napiling paksa para sa 9 na araw na pagkilos ang mga usapin ng Human Rights; kalagayan ng kalikasan, mga katutubo; mga mangingisda, mga magsasaka sa ilalim ng Agrarian Reform; labor Issues; Youth; Women and Gender; Soberenya; kalagayan ng mga mahihirap at ang umiiral na demokrasya sa ating bansa.

Layunin ng pagkilos na mag-alay ng panalangin at pag-aayuno sa loob ng 9 na araw sa mismong People Power Monument (PPM) na sumisimbolo sa naging pagkakaisa ng sambayanan Pilipino upang labanan ang diktadurya 32-taon na ang nakakalipas.

Nilinaw rin ng grupong Gomburza na ang pagkilos ay hindi lamang para sa mga Katoliko’t Kristyano kundi bukas rin maging sa mga mamamayan mula sa ibang relihiyon na mayroong parehong paninindigan at panalangin para sa kaayusan at kapayapaan ng ating bayan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pinupulitikang ayuda

 70,951 total views

 70,951 total views Mga Kapanalig, noong kasagsagan ng pandemya, naging matunog na salita ang “ayuda” o ang pinansyal na tulong na natanggap mula sa pamahalaan ng mga naapektuhan ng malawakang lockdown. Kahit tila balik na tayo sa normal na pamumuhay, nagpatuloy ang pamamahagi ng gobyerno ng ayuda sa ilalim ng iba’t ibang programa nito. Pangunahing benepisyaryo

Read More »

Higit sa kita

 81,744 total views

 81,744 total views Mga Kapanalig, “catastrophe” o malaking sakuna ang maaari daw mangyari kapag maisabatas ang panukalang dagdagan ng isandaang piso ang daily minimum wage sa ating bansa.  Iyan ang babala ng isang grupo ng mga negosyante habang kanilang tinututulan ang Senate Bill No. 2354. Ang panukalang batas na ito, na inaprubahan na ng Senado noong

Read More »

Huwag tayong titiklop, huwag tayong aatras

 87,150 total views

 87,150 total views Mga Kapanalig, ginunita pa rin sana natin kahapon, kahit hindi opisyal na holiday, ang ika-38 taong anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.  Marami na sa atin marahil ang nakalimot na o hindi nalalaman ang apat na araw noong Pebrero 1986 kung kailan ipinamalas ng mga Pilipino ang masidhing pagnanais na makaroon ng pagbabago

Read More »

Cybercrime

 124,233 total views

 124,233 total views Hindi natin maitatanggi, kapanalig, na talamak ang cybercrime sa ating bansa. Parami ng parami ang konektado sa internet sa ating bayan, at parami rin ng parami ang mga kriminal na nagnanais na gamitin ang kondisyon na ito bilang oportunidad para kumita. Kapanalig, kung dati, ang mga krimen na karaniwan nating naririnig ay lokal

Read More »

Financial Inclusion

 135,879 total views

 135,879 total views Limitado ang pagkaunawa ng maraming mga Filipino ukol sa financial inclusion. Marami sa atin, basta mapabilang o makasali lamang sa mga e-wallets o mga financial platforms, tinuturing na agad itong financially inclusive. Hindi ganun kasimple ito, kapanalig, at panahon na upang mas lumawak pa ang ating pag-unawa sa financial inclusion. Ayon sa Bangko

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bishop Alminaza kay Ka Eric; “I will continue to kneel, pray, and advocate for justice”

 3,351 total views

 3,351 total views Itinuturing ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza bilang payong kapatid ang mensaheng ipinaabot ni dating SMNI TV host Jeffrey ‘Ka Eric’ Celiz, na pagtuunan ng pansin ang pananalangin para sa bayan. Ito ang tugon ni Bishop Alminaza-vice chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Social Action Justice and

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

CBCP, nakikiisa sa pagriwang ng Women’s month

 3,401 total views

 3,401 total views Nakikiisa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa paggunita ng National Women’s Month ngayong taon. Ayon kay Borongan Bishop Crispin Varquez -chairman ng CBCP-Office on Women, mahalagang maunawaan ng bawat mamamayan lalo na ng mga kababaihan ang kanilang natatanging lakas at katangian na malaki ang maiaambag para sa kabutihan lipunan. Pagbabahagi ng

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Pamilyang Pilipino, inaanyayahan ng CBCP na makiisa sa Walk for Life 2024

 16,931 total views

 16,931 total views Inaanyayahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) – Episcopal Commission on Family and Life ang bawat pamilyang Filipino na makibahagi sa paninindigan sa kasagraduhan ng buhay sa pamamagitan ng pakikiisa sa nakatakdang Walk for Life 2024. Ito ang bahagi ng paanyaya ni Parañaque Bishop Jesse Mercado -chairman ng kumisyon kaugnay sa

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Manindigan para sa buhay, hamon ng Obispo sa mananampalataya

 17,023 total views

 17,023 total views Binigyang diin ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang matatag na paninindigan at pagbibigay halaga sa ipinagkaloob na buhay ng Panginoon sa bawat nilalang. Ito ang bahagi ng mensahe ni CBCP-Episcopal Commission on Pontificio Collegio Filippino chairman, Antipolo Bishop Ruperto Santos kaugnay sa nakatakdang Walk for Life 2024

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Namayapang dating CBCP President, naihatid na huling sa hantungan

 22,013 total views

 22,013 total views Tuluyan ng naihatid sa kanyang huling hantungan si Tandag Bishop-emeritus Nereo Odchimar na namayapa sa edad na 84-taong gulang noong February 1, 2024. Pinangunahan ni Tandag Bishop Raul Dael ang Funeral Mass para sa dating punong pastol ng diyosesis kung saan kinilala ng Obispo ang dedikasyon at naging paglilingkod ni Bishop Odchimar sa

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Rector ng Pontificio Collegio Filippino, humiling ng panalangin para sa formation of Priest sa Rome

 21,998 total views

 21,998 total views Umapela si Pontificio Collegio Filippino Rector Fr. Gregory Gaston sa bawat mananampalataya na ipanalangin ang paghuhubog at pagpapanibago ng mga pari upang patuloy na makapaglingkod sa kawan ng Panginoon. Ito ang panawagan ng Pari kaugnay sa pagtatapos ng limang araw na International Conference for the Ongoing Formation of Priests sa Roma na dinaluhan

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Pro-Life Philippines President, keynote speaker ng Walk for Life 2024

 24,335 total views

 24,335 total views Inihayag ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagsisilbing pangunahing tagapagsalita ng pangulo ng Pro-Life Philippines sa nakatakdang Walk for Life 2024. Ito ang ibinahagi ni LAIKO Executive Vice President Bro. Albert Loteyro, O.P. na siya ring chairman ng Walk for Life 2024 sa nakatakdang gawain na may tema ngayong taon na “Together, We

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Cardinal Advincula, pangungunahan ang banal na misa sa Walk for Life 2024

 23,704 total views

 23,704 total views Pangungunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Walk for Life 2024 sa ika-17 ng Pebrero, 2024. Ito ang ibinahagi ni Sangguniang Laiko ng Pilipinas Executive Vice President Bro. Albert Loteyro, O.P. na siyang chairman ng Walk for Life 2024 na muling isasagawa sa

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

St.William the Hermit cathedral parish, kinilala ng NYC

 25,454 total views

 25,454 total views Ginawaran ng pagkilala ng National Youth Commission (NYC) ang Parish Youth Ministry ng Saint William the Hermit Cathedral Parish ng Diocese of San Fernando de La Union bilang Outstanding YORP Organization. Partikular na kinilala ng NYC bilang katangi-tanging Youth Organization Registration Program (YORP) ang programa ng youth ministry ng parokya na “More Than

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Masidhing pananampataya ng mga Pilipino, i-uulat ng Vatican official kay Pope Francis

 26,295 total views

 26,295 total views Tiniyak ni Vatican Secretary General of the Synod of Bishops Cardinal Mario Grech ang pagbabahagi at pag-uulat sa Kanyang Kabanalan Francisco ng kanyang mga naranasan at nasaksihan sa katatapos lamang na three-day Philippine Conference on New Evangelization. Ayon sa Cardinal, lubos na ikaliligaya ng Santo Papa Francisco na malaman kung gaano kasigla ang

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

CBCP-ECBA, may mensahe sa paggunita ng National Bible month

 25,347 total views

 25,347 total views Hinihikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) – Episcopal Commission on the Biblical Apostolate (ECBA) ang bawat isa na higit na bigyang halaga ang Salita ng Diyos sa pamamagitan ng pagbabasa ng Bibliya. Ito ang bahagi ng mensahe ni Laoag Bishop Renato Mayugba – chairman ng komisyon, kaugnay sa paggunita ng

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Pope Francis, nagpaabot ng pagkilala at pasasalamat sa mga Pilipino

 25,833 total views

 25,833 total views Nagpaabot ng pagkilala at pasasalamat ang Santo Papa Francisco sa patuloy na pagsusumikap ng mga Pilipino na maging taga-pagpalaganap ng ebanghelyo. Ito ang ibinahagi ni Vatican Secretary General of the Synod of Bishops Cardinal Mario Grech sa kanyang keynote address sa unang araw ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE X) sa

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, nanawagan ng pakikiisa sa Walk for Life 2024

 25,721 total views

 25,721 total views Nanawagan ng pakikiisa ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas para sa nakatakdang Walk for Life ngayong taon. Napiliping tema ng “Walk for Life 2024” ang “Together, We Walk for Life” na nakatakda sa ika-17 ng Pebrero, 2024 mula alas-kwatro ng madaling araw hanggang alas-otso ng umaga. Magsisimula ang paglalakad para sa buhay sa Welcome

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Ipanalangin ang pagkakaroon ng Obispo sa mga lugar na sede vacante-CBCP

 25,038 total views

 25,038 total views Hinihikayat ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David ang mga mananampalataya na manalangin para sa biyaya ng pagkakaroon ng mga obispong mangangasiwa sa mga diyosesis lalo’t higit sa mga lugar na sede vacante. Ito ang bahagi ng mensahe ni Bishop David sa naganap na funeral mass ni

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Pagsusulong ni Archbishop Capalla sa Ecumenical at Inter-religious dialogue, kinilala ni Pope Francis

 23,976 total views

 23,976 total views Tuluyan ng naihatid sa kanyang huling hantungan si Davao Archbishop-emeritus Fernando Capalla. Pinangunahan ang funeral mass ni Davao Archbishop Romulo Valles katuwang si Cotabato Archbishop-emeritus Orlando Cardinal Quevedo na nagsibilbing homilist at nagbahagi ng kanyang pagninilay sa banal na misang isinagawa sa San Pedro Cathedral ganap na alas-dyes ng umaga ng Lunes, ika-15

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top