6,250 total views
Nagpapasalamat si Caritas Manila executive director Father Anton CT Pascual – Chairman ng Union of Metro Manila Cooperatives (UMMC) at Union of Church Cooperatives (UCC) kay former CDA Chairman Undersecretary Joseph Encabo.
Ito ay sa pagtatapos ng paglilingkod ni Encabo bilang punong taga-pangasiwa ng CDA noong December 31 2024.
Ayon kay Fr.Pascual, sa apat na taong pamumuno ni Encabo sa CDA ay napaunlad nito ang sektor ng kooperatiba sa Pilipinas.
Panalangin ng Pari ang patuloy paggabay ng Panginoon kay Encabo sa kaniyang susunod na yugto sa buhay o paninilbihan sa pamahalaan.
“Mga Kapanalig nagpapasalamat po tayo sa ating former Chairperson ng CDA, USEC Joseph ‘Joy’ Encabo ng Cooperative Development Authority sa kaniyang magandang pamumuno ng mga nakaraang taon, Ang Kooperatiba sa Pilipinas lalung-lalu na ang kilusan ay tunay na nabiyayaan ng kanyang servant leadership, naway ang aming panalangin tungo sa pag-unlad at pagtatagumpay sa bagong career ni USEC Joy Encabo, lalung-lalu na sa pamahalaan,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Pascual.
Ipinalangin din ni Fr.Pascual na gabayan ng panginoon si Paradillo bilang bagong pinuno ng CDA.
“Siempre wini-welcome natin si OIC ASEC Myrla Paradillo na dati nating kasama rin sa coop sector at ngayun siya ay OIC na humalili muna kay USEC Joy Encabo, Asec Myrla naway mapasaatin ang magandang pagsasamahan at itaas natin ang lebel ng ugnayan at partnership ng coop sector, government sector led by CDA sa ikalalakas ng cooperative economy sa ating bansa, God Bless!,” bahagi pa ng panayam ng Radio Veritas kay Fr.Pascual.
Sa datos ng CDA, umaabot na sa 12-libo ang bilang ng mga kooperatiba sa Pilipinas na binubuo ng hindi halos 20-milyong miyembro.