CFC Clergy Lay Congress, pinuri ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 511 total views

Pinuri ng Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Clergy ang inorganisang 2018 CFC Clergy – Lay Congress na may temang “One Church, One Mission, One Priesthood”.

Ayon kay Diocese of San Pablo Bishop Buenaventura Famadico – Chairman ng Kumisyon, naaangkop ang isinagawang pagtitipon ng Couples for Christ o CFC sa paggunita ng Simbahang Katolika sa ‘Year of the Clergy and Consecrated Persons’ bilang paghahanda sa ika-500 taon ng Kristyanismo sa Pilipinas sa 2021.

Pagbabahagi ni Bishop Famadico, ang mga Pari at iba pang mga lingkod ng Simbahan ay nag-aalay ng buhay sa Panginoon upang magabayan ang mga Layko at Mananampalataya sa pagkakaroon ng buhay na maayos at kasiya-siya na ninanais ng Diyos.

Maganda yan dahil ngayon ay Year of the Clergy and Consecrated Persons at kami naman ay nabubuhay hindi para sa aming sarili kundi para sa mga Lay at yung meaning ng aming buhay ay dahil kami ay tagapag-lingkod nila kapag wala sila wala kaming magagawa, wala kaming trabaho so maganda naman na ito ay naorganized.” pahayag ni Bishop Famadico sa panayam sa Radyo Veritas.

Samantala, nagpaabot rin ng pagkilala si CBCP Vice President Caloocan Bishop Pablo Virgilio David sa aktibong Partisipasyon at Suporta ng Couples for Christ sa misyon ng Simbahang Katolika.

Dahil dito, umaasa si Bishop David na magpatuloy pa ang masidhing Adbokasiya ng CFC bilang katuwang na layko ng mga lingkod ng Simbahang Katolika sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo.

“Sana magtuloy-tuloy pa ito kasi we need lay people hindi naman namin magagawa yung evangelization na kaparian lang at we now are promoting a participatory church and pagdating sa participation and the mission of the church naku saludo ako sa Couples for Christ sa ginagawa nila…” pahayag ni CBCP Vice President Bishop David.

Ang 2018 CFC Clergy – Lay Congress ay bahagi ng ika-37 anibersaryo ng Couples for Christ na layuning mas mapatatag at mapayabong pa ang relasyon ng mga layko at mga lingkod ng Simbahan.

Taong 1981 ng maitatag ang Couples for Christ na naglalayong mapagtibay ang pundasyon ng bawat pamilyang Filipino sa pamamagitan ng mas malalim na pagsasabuhay sa mabuting balita ng Diyos.

Nagsimula lamang sa 16 na mag-asawa ang unang miyembro ng CFC na ngayon ay mayroon ng mahigit sa 500,000 mag-asawang miyembro sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 127,188 total views

 127,188 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 127,188 total views

 127,188 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 127,188 total views

 127,188 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 123,512 total views

 123,512 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 112,739 total views

 112,739 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top