Mga bakwit sa Lanao del Sur, Sinusuportahan ng Duyog Marawi

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 391 total reads

Higit sa 11,000 katao ang nagsilikas mula sa Pagayawan at Tubaran, Lanao Del Sur dahil ng isinagawang ‘Military Offensive’ ng Armed Forces of the Philippines laban sa nalalabing miyembro ng Maute-ISIS group.

Ayon kay Bro. Rey Barnido, Executive Director ng Duyog Marawi at Social Action Coordinator ng Prelatura ng Marawi, ang Operasyon ay isinagawa dalawang araw matapos ang pagdiriwang ng Ramadan.

Sinabi ni Barnido na naabisuhan na sila ng Militar hinggil sa hakbang bunsod ng patuloy na ‘Recruitment’ ng mga Terrorista sa Mindanao.

“Two days after Ramadan kaagad sila nag-attack. Alam naman namin na on-going pa rin ang mga recruitment ng supporters ng Maute brothers, nakakalungkot nga lang kasi marami doon sa mga na-displace doon sa Pagayawan ay galing din sa Marawi na nag-evacuate ulit. Kaya naaawa din kami doon sa mga na-displace twice dahil sa pangyayari,” ayon kay Barnido.

Inihayag ni Barnido na nagpadala na rin sila ng mga kinatawan upang malaman kung ano ang kailangang tulong ng mga nagsilikas na ngayon ay sinusuportahan pa ng Pamahalaang Lokal ang kanilang pangangailangan.

Patuloy naman ang isinagawang Programa ng Duyog Marawi na naapektuhan ng pagsalakay noon ng Maute-ISIS, kasabay na rin ng mga Proyekto ng Simbahan para sa pabahay ng Caritas Manila at Livelihood Projects sa tulong naman ng Pondo ng Pinoy.

Pinagtutuunan din ng pansin ng Duyog Marawi ang Programa sa Peace Building lalu na sa mga kabataang Maranao.

“Patuloy ang ating program sa peace building dahil apektado nga yung Muslim-Christian relations dahil dun.
At meron ding programa ng prevention on violent extremism among the youth so doon naka-focus ang ating atensyon dahil nalaman din natin sa militar na ang mga kabataan ang tinarget ng mga ISIS. Mga 9 years old nire-recruit nila.. Yung sumali sa giyera ngayon ay mga 11, 12, 13 years old,”
dagdag pa ni Barnido.

Base sa Impormasyon ng Militar, tinatayang may 300 ang bilang ng Maute-ISIS na patuloy pa rin na nanghihikayat ng mga miyembro.

Sa naganap na Marawi Siege noong nakalipas na taon higit sa isang libo katao ang napatay sa Digmaan kabilang na dito ang mga Rebelde, mga Sundalo at mga Sibilyan.

Una na ring nanawagan si Pope Francis na iwaksi ang Karahasan at Digmaan lalu’t bunga nito ay Pagkasira ng buhay at ng Lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 148,818 total reads

 148,818 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 221,901 total reads

 221,901 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 255,349 total reads

 255,349 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 290,648 total reads

 290,648 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 511,398 total reads

 511,398 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top