Mandatory Drug test sa 10-taong gulang na Bata, Sinang-ayunan ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 462 total reads

Sang-ayon ang isang Obispo sa panukalang Mandatory Drug Testing para sa mga mag-aaral simula ikaapat na baitang o 10- taong gulang pataas na mga bata.

Ayon kay San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education, ang panukala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay mahalaga upang mapigilan ang mga kabataan na masangkot sa ipinagbabawal na gamot.

“Sa akin walang problema yan kasi nga nakikita natin yan kung gaano kalawak yung problema ng drugs kung paanong talagang inaabot nila lahat pati ang mga bata yung sinasabi nilang may mga candies pa na hinahaluan ng drugs. I think mahalaga ito para ma-prevent natin yung mga bata mismo ay maapektuhan nitong problemang ito ng drugs.” pahayag ni Bishop Mallari sa Radio Veritas.

Naniniwala ang Obispo na may posibilidad na sa edad na 10-taong gulang ay nasasangkot na sa ipinagbabawal na gamot dahil sa ganitong edad nagsisimula ang pagka-mausisa ng bata.

Unang iniulat ni PDEA Director General Aaron Aquino ang pagkahuli sa sampung taong gulang na bata na pinaghihinalaang gumagamit ng illegal na droga dahilan upang imungkahi ng Opisyal sa Dangerous Drugs Board na magpalabas ng kautusan para sa Mandatory Drug Testing sa mga mag-aaral sa Bansa simula sa ikaapat na baitang o Grade 4.

Kaugnay dito, nanawagan si Bishop Mallari sa mga Magulang at mga Guro na makipagtulungan sa mga Programang ipatutupad ng Pamahalaan lalo na kung ito ay para sa kabutihan ng mga kabataan.

“Para po sa mga magulang at mga teachers natin, I think mahalaga na we try to as much as possible we cooperate to the government kasi I suppose gusto din nila yung ikabubuti ng mga anak natin.” dagdag ng Obispo.

Batid din ng Obispo na mahalagang mapigilan sa lalong madaling panahon ang mga kabataan sa pagkakasangkot sa anumang iligal na gawain tulad ng droga upang makaiwas sa masamang epekto na maidudulot sa pagkatao at sa Lipunan.

Samantala, layunin ng PDEA sa panukalang Mandatory Drug Testing ang mapigilan ang paglaganap ng ipinagbabawal na gamot sa mahigit apatnapung libong Paaralan sa Bansa.

Nasasaad naman sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, saklaw lamang ng random drug testing ang mga mag-aaral sa Sekondarya at Kolehiyo ngunit sa panukalang isinusulong ng PDEA gagawin na ito sa lahat ng mga mag-aaral, guro at iba pang kawani ng paaralan.

Una nang nagpahayag ng pakikiisa ang Simbahang Katolika sa bansa sa kampanya ng Pamahalaan Laban sa iligal na droga ngunit dapat itong gawin ng naaayon sa batas at hindi nalalabag ang karapatan ng bawat taong sangkot sa iligal na gawain.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 63,339 total reads

 63,339 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 98,015 total reads

 98,015 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 123,206 total reads

 123,206 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 159,690 total reads

 159,690 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 174,348 total reads

 174,348 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top