CFC Clergy Lay Congress, pinuri ng CBCP

SHARE THE TRUTH

 295 total views

Pinuri ng Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Clergy ang inorganisang 2018 CFC Clergy – Lay Congress na may temang “One Church, One Mission, One Priesthood”.

Ayon kay Diocese of San Pablo Bishop Buenaventura Famadico – Chairman ng Kumisyon, naaangkop ang isinagawang pagtitipon ng Couples for Christ o CFC sa paggunita ng Simbahang Katolika sa ‘Year of the Clergy and Consecrated Persons’ bilang paghahanda sa ika-500 taon ng Kristyanismo sa Pilipinas sa 2021.

Pagbabahagi ni Bishop Famadico, ang mga Pari at iba pang mga lingkod ng Simbahan ay nag-aalay ng buhay sa Panginoon upang magabayan ang mga Layko at Mananampalataya sa pagkakaroon ng buhay na maayos at kasiya-siya na ninanais ng Diyos.

Maganda yan dahil ngayon ay Year of the Clergy and Consecrated Persons at kami naman ay nabubuhay hindi para sa aming sarili kundi para sa mga Lay at yung meaning ng aming buhay ay dahil kami ay tagapag-lingkod nila kapag wala sila wala kaming magagawa, wala kaming trabaho so maganda naman na ito ay naorganized.” pahayag ni Bishop Famadico sa panayam sa Radyo Veritas.

Samantala, nagpaabot rin ng pagkilala si CBCP Vice President Caloocan Bishop Pablo Virgilio David sa aktibong Partisipasyon at Suporta ng Couples for Christ sa misyon ng Simbahang Katolika.

Dahil dito, umaasa si Bishop David na magpatuloy pa ang masidhing Adbokasiya ng CFC bilang katuwang na layko ng mga lingkod ng Simbahang Katolika sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo.

“Sana magtuloy-tuloy pa ito kasi we need lay people hindi naman namin magagawa yung evangelization na kaparian lang at we now are promoting a participatory church and pagdating sa participation and the mission of the church naku saludo ako sa Couples for Christ sa ginagawa nila…” pahayag ni CBCP Vice President Bishop David.

Ang 2018 CFC Clergy – Lay Congress ay bahagi ng ika-37 anibersaryo ng Couples for Christ na layuning mas mapatatag at mapayabong pa ang relasyon ng mga layko at mga lingkod ng Simbahan.

Taong 1981 ng maitatag ang Couples for Christ na naglalayong mapagtibay ang pundasyon ng bawat pamilyang Filipino sa pamamagitan ng mas malalim na pagsasabuhay sa mabuting balita ng Diyos.

Nagsimula lamang sa 16 na mag-asawa ang unang miyembro ng CFC na ngayon ay mayroon ng mahigit sa 500,000 mag-asawang miyembro sa buong bansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pampersonal o pambayan?

 17,864 total views

 17,864 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 60,078 total views

 60,078 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 75,629 total views

 75,629 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 88,874 total views

 88,874 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 103,286 total views

 103,286 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top