Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 2,210 total views

Ilang taon ng numero uno ang Pilipinas bilang source ng child pornography sa buong mundo? Hindi na ba ligtas ang mga bata sa ating bayan? Nasa panganib na rin ba sila kahit pa sa loob ng kanilang tahanan pati sa kamay ng kanilang mga magulang?

Ayon sa National Study on Online Sexual Abuse and Exploitation of Children in the Philippines, ang Pilipinas ay umuusbong na sentro ng produksyon ng child sex abuse materials sa buong mundo. 80% ng mga batang Filipino ang bulnerable dito, at mismong mga magulang pa ng mga bata ang nangunguna pa minsan dito.

Kapanalig, ang mga kabataang biktima ng krimen na ito ay ay kadalasang nililinlang o pinipilit na makilahok sa sexual exploitation sa mga lugar na karaniwang dapat ay ligtas sila – sa mga tahanan at minsan sa sa pamayanan at eskwelahan pa. Ang karumal-dumal na gawain na ito ay pinapakita at dinis-distribute online para sa pera.

May mga magulang na naniniwala na kapag hindi naman nahahawakan ang mga bata, wala namang masamang nangyayari sa kanila. Video lang naman daw o litrato ito. May mga magulang na nagsasabi na marami na rin naman ang gumagawa nito. Malaking tulong din daw para sa kanila ang kita mula sa gawain na ito. Sa dami ng gumagawa ng mga materyal na ito, lumobo pa ang bilang – 3.1 million ang child pornography materials sa bansa noong 2021 mula sa 1.3 million noong 2020.

Ano pa bang hinihintay ng ating bansa at bakit natin hinahayaang mas lumalala pa ang sitwasyon bago tayo magsikilos? Ilang bata pa ba ang ma-e-exploit sa ganitong krimen bago natin bigyang pangil ang batas laban sa child pornography?

Kapanalig, ang problemang ito ay hindi lamang isyu ng kapulisan, o ng Office of Cybercrime, o DSWD, o ng NBI. Ito ay isyung panlipunan. Anong uring lipunan meron ang ating bansa ngayon kung saan ang mga nakakatanda mismo, ang mga magulang mismo, ang nangunguna sa pag-e-exploit at pang-a-abuso ng kanilang mga anak dahil sa kahirapan?

Marami tayong mga aral na mapupulot mula sa Pornography and Violence in the Communications Media: A Pastoral Response mula sa Pontifical Council for Social Communications. Ayon dito, ilan sa mga rason ng paglipana ng pornograpiya ay dahil sa kita mula rito, sa kawalan  o sa inepektibong batas, at dahil sa apathy o sa kawalan ng pakialam ng marami sa atin dahil pakiramdam natin ay hindi tayo apektado nito.

Kapanalig, kailangan makita ng lipunan ang na ang child pornography ay “evil” – ito ay masama, ito ay makasalanan, ito ay nakakapinsala sa lipunan. Kailangan natin pigilan ang kasamaan na ito hindi lamang mula sa supply side o source, kundi sa demand side o sa mga customers nito. Bakit ang biktima ang laging napapahiya, hindi ang mga perpetrators nito at gumagamit ng mga materyales nito? Kapanalig, ang kabuktutan na ito ay kailangang iwaksi na sa ating bayan. Ang kahirapan ay hindi rason upang ating ibenta na parang karne ang ating mga kabataan.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Senadong tumalikod sa tungkulin

 4,195 total views

 4,195 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG PERA

 78,496 total views

 78,496 total views Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan. Lahatin

Read More »

CONGRESSMAN NAHULING NAKA-ONLINE SABONG

 134,253 total views

 134,253 total views Huling-huli sa akto., lulusot pa rin! Kapanalig, ito ang katotohanan na nagaganap sa ating Kongreso na binubuo ng ating kapita-pitagang mga mambabatas mula

Read More »

Mga sangandaan sa usapin ng enerhiya

 95,247 total views

 95,247 total views Mga Kapanalig, para kay Pangulong Bongbong Marcos Jr, kilalang-kilala raw tayo sa buong mundo dahil sa pagsusulong natin ng renewable energy. Sa kanyang

Read More »

Abot-kamay pa ba ang pananagutan?

 96,357 total views

 96,357 total views Mga Kapanalig, ang desisyon ba ng Korte Suprema ay parang utos mula sa langit? Para ba itong utos ng hari na hindi mababali? 

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

OPNE, nagpapasalamat sa tagumpay ng PCNE 11

 1,488 total views

 1,488 total views Nagpapasalamat ang Office of the Promotion on New Evangelization (OPNE) ng Archdiocese of Manila sa lahat ng Parokya, Donors, Benefactors, Volunteers at Partnered

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Sumbong sa Pangulo website, inilunsad

 2,778 total views

 2,778 total views Inilunsad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong Agosto 11 ang “Sumbong sa Pangulo” website—isang online platform kung saan maaaring makita ng publiko

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

Senadong tumalikod sa tungkulin

 4,196 total views

 4,196 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG PERA

 78,497 total views

 78,497 total views Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan. Lahatin

Read More »

CONGRESSMAN NAHULING NAKA-ONLINE SABONG

 134,254 total views

 134,254 total views Huling-huli sa akto., lulusot pa rin! Kapanalig, ito ang katotohanan na nagaganap sa ating Kongreso na binubuo ng ating kapita-pitagang mga mambabatas mula

Read More »

Mga sangandaan sa usapin ng enerhiya

 95,248 total views

 95,248 total views Mga Kapanalig, para kay Pangulong Bongbong Marcos Jr, kilalang-kilala raw tayo sa buong mundo dahil sa pagsusulong natin ng renewable energy. Sa kanyang

Read More »

Abot-kamay pa ba ang pananagutan?

 96,358 total views

 96,358 total views Mga Kapanalig, ang desisyon ba ng Korte Suprema ay parang utos mula sa langit? Para ba itong utos ng hari na hindi mababali? 

Read More »

Abot-tanaw na ang Bagong Pilipinas?

 115,147 total views

 115,147 total views Mga Kapanalig, nagsimula na noong nakaraang Lunes ang ikadalawampung Kongreso. Kasabay ng pagbubukas ng sesyon ng Kongreso ay ang ikaapat na State of

Read More »

LEGISLATIVE HOUSEKEEPING

 143,060 total views

 143,060 total views Senate President Francis Escudero., a master of heist? o isang magaling na hunyango? Kapanalig, ang isang hunyango ay magaling magtango., eksperto sa pag-adopt

Read More »

LEGACY OF CORRUPTION

 160,618 total views

 160,618 total views In St. Paul’s Letter to the Philippians, we find echoes of this lofty ideal: Christ Jesus “emptied himself, taking the form of a

Read More »

Buwis at korupsyon

 116,058 total views

 116,058 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang kasabihang “in this world, nothing is certain except death and taxes.” Sa mundong ito, walang tiyak

Read More »
1234567