Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 614 total reads

Homiliya para sa Huwebes ng Ika-21ng Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2022, Mt 24:42-51

“Inside job” ang tawag ng mga pulis sa kaso ng pagnanakaw na hindi taga-labas ang may kagagawan kundi taga-loob. Ganito ang ibinibigay na paliwanag ni San Pablo sa ating first reading tungkol sa hinihintay na muling pagdating ng Panginoong HesuKristo.

Hindi raw siya darating na para bang mahuhulog na lang nang biglaan mula sa langit. Sabi nga sa ating ebanghelyong binasa, darating siyang “tulad ng isang magnanakaw” na biglang nasa loob na pala at bubulaga sa katiwala ng bahay. Nariyan na pala pero hindi niya alam dahil hindi siya handa para sa pagdating ng Anak ng Tao. Bakit? INSIDE JOB nga kasi.

Pakinggan nating muli ang sinabi ni San Pablo sa unang pagbasa, “Sa inyong PAKIKIPAGKAISA KAY KRISTO, kayo’y umuunlad sa lahat ng paraan, maging sa pananalita at kaalaman. Ang katotohanang ipinangaral namin tungkol kay Kristo ay malinaw na NAKIKITA SA INYO, anupa’t hindi kayo nagkulang sa anumang kaloob na espiritwal, habang hinihintay ninyong MAHAYAG ANG ATING PANGINOONG HESUKRISTO. Kayo’y aalalayan niya hanggang wakas upang matagpuan kayong walang kapintasan SA ARAW NG ATING PANGINOONG HESUKRISTO. Tapat ang Diyos na tumawag sa inyo UPANG KAYO’Y MAKIPAGKAISA SA KANYANG ANAK na si HesuKristong ating Panginoon.”

Ibig sabihin—ang Kristong hinihintay natin ay wala sa labas kundi nasa loob na natin dahil sa Espiritu Santong tinanggap natin sa binyag. Ito rin ang nililinaw ni San Pablo sa Romans 8: 19, “…hinihintay ng sangnilikha nang may pananabik ang paghahayag ng mga anak ng Diyos.” At sa v. 29, sabi pa nya, “Itinalaga ng Diyos na matulad tayo sa anyo ng kanyang Anak…”

Gayundin ang sinasabi niya sa paliwanag niya tungkol sa ating pakikibahagi sa muling pagkabuhay ni Kristo, ang sabi niya sa 1 Cor. 15:49, “Kung paanong tayo’y katulad ng taong nagmula sa lupa (ang unang Adan), darating ang araw na matutulad din tayo sa nanggaling sa langit (ang bagong Adan).”

Gamitin natin ang imahinasyon. Ang pagbabagong tinutukoy ni San Pablo ay magaganap sa atin na para bang isang MUTATION ng tao na unti-unting mangyayari hanggang sa tuluyang mahayag sa tao ang anyo ng Anak ng Diyos, si Kristo Hesus.

Kaya pala tayo tinawag na KATIWALA. Mga katiwala isang misteryong unti-unting nagaganap, ngunit mahahayag lang nang lubos sa takdang panahon. Ang Kristong hinihintay natin ay nasa atin na, nasa loob na, ngunit unti-unti lamang na makikita. Unti-unti niya tayong babaguhin upang ang mukha niya ang lumitaw sa atin.

Ibang klaseng INSIDE JOB ang tinutukoy ni San Pablo. Hindi ito tungkol sa isang krimen o pagnanakaw. Ito’y tungkol sa isang misteryong ipinagkatiwala sa atin. Ito ang misteryong nagbubuklod sa atin upang magkaisang puso at diwa, maging kabahagi ng buhay at misyon ng Anak ng Diyos na naging Anak ng Tao upang ang mga anak ng tao ay maging mga anak ng Diyos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 70,231 total reads

 70,231 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 105,617 total reads

 105,617 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 140,918 total reads

 140,918 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 367,187 total reads

 367,187 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 256,680 total reads

 256,680 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WHEN A FAMILY BECOMES A PLACE OF TRAGEDY

 14,126 total reads

 14,126 total reads Someone called my attention today to the tragic case of Caleb Flynn in the United States—a Christian worship pastor recently convicted of murdering

Read More »

THE VINEYARD IS NOT OURS

 19,772 total reads

 19,772 total reads Homily for the Closing of the Season of Creation 800th Anniversary of the Transitus of St. Francis of Assisi 27th Sunday in Ordinary

Read More »

FROM REVOLUTION TO RECONCILIATION

 19,036 total reads

 19,036 total reads My French friend Eric Nicolas, a native of Marseille, sent me a message yesterday that made me look at one particular moment of

Read More »
Scroll to Top