Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Coat of arms ng Archdiocese of Caceres, binago sa tunay na simbolismo

SHARE THE TRUTH

 591 total views

Nagpatupad ng ilang pagbabago ang Archdiocese of Caceres upang ma-enhance ang ilang elemento ng opisyal na coat of arms nito na hango pa rin sa orihinal na sagisag na ginagamit ng arkidiyosesis.

Sa liham sirkular ni Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona, inihayag ng Arsobispo na ang pagbabago sa kasalukuyang coat of arms ay bahagi ng patuloy na paggunita sa ika-70-anibersaryo mula ng itinalaga ang Caceres bilang isang arkidiyosesis mula sa pagiging isang diyosesis noong June 29, 1951.

Ayon kay Archbishop Tirona, puno ng kagandahan at kahulugan ang coat of arms ng arkidiyosesis na sumisimbolo at sumasagisag sa mayamang kasaysayan ng pananampalataya, pag-asa at pag-ibig sa Panginoon ng bawat mananampalataya sa loob ng mahigit 400-taon mula ng maitatag ang Diocese of Nueva Caceres noong August 14, 1595.

Ipinaliwanag ng arsobispo na sa paglipas ng mga taon ay kapansin-pansin na rin ang pag-iba-iba at hindi tamang pagkakasalin sa coat of arms ng arkidiyosesis na dahilan upang mawala ang tunay na kahulugan at simbolismo nito.

Binigyang diin naman ni Archbishop Tirona na mahalagang sundin ng bawat parokya, paaralan, institutions, communities, offices, commissions, at ministries sa Archdiocese of Caceres ang guidelines para sa naaangkop at tamang paggamit ng enhanced coat of arms ng arkidiyosesis upang mapanatili ang simbolo at kahulugang nakapaloob dito na pinangasiwaan ng Caceres Commission on Communications.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kabiguan sa kabataan

 17,627 total views

 17,627 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 47,708 total views

 47,708 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 61,768 total views

 61,768 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 80,211 total views

 80,211 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

1234567