ATM, ipinahayag ang tiwala at suporta kay Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 702 total reads

Inaasahan ng makakalikasang grupong Alyansa Tigil Mina na magiging makabuluhan ang pagpapastol ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, hindi lamang sa Simbahan, kundi maging sa pagpapalaganap ng malasakit sa kalikasan.

Ayon kay Jaybee Garganera, national coordinator ng grupo, ang talino at paninindigan ni Cardinal Advincula ay tiyak na makatutulong upang mapakinggan ang hinaing ng kalikasan, maging ng mga nasa mahihirap na komunidad na lubhang apektado ng iba’t ibang pangyayari sa kapaligiran.

“Ngayong panahon ay humaharap tayo dito sa makabagong hamon ng nagbabagong klima – modern challenge of climate change. So alam naman natin na ang gusto nating direksyon ay kung paano natin mapapangalagaan ‘yung sangnilikha… Alam namin na ‘yung talino, ‘yung conviction at commitment ni Cardinal Advincula ay naririyan para pangunahan tayong lahat,” pahayag ni Garganera sa panayam ng Radio Veritas.

Samantala, dalangin naman ng grupo na nawa’y si Cardinal Advincula ay patuloy na pagkalooban ng lakas ng loob at patnubayan ng Panginoon sa kanyang panibagong misyon sa Simbahan.

Gayundin ang pagkakaroon ng tamang pamumuno na makatutulong para mahikayat ang mga mananampalataya sa pagbabagong kinakailangan ng kalikasan upang ito’y lubos na mapangalagaan para sa kapakinabangan ng lahat at ng susunod na henerasyon.

“Nananalangin tayo na biyayaan ng Panginoon natin si Cardinal Advincula nung lakas ng loob at nung tamang pamumuno para lahat tayo ay maabot natin yung ecological conversion na inaasam nating lahat,” saad ni Garganera.

Maiuugnay ang Episcopal motto ni Cardinal Advincula na “Audiam” o ang ibig sabihi’y nakahanda itong makinig, sa mensaheng nakasaad sa ensiklikal na Laudato Si ng Kanyang Kabanalan Francisco hinggil sa pakikinig sa hinaing ng mundo at mga mahihirap.

Kilala rin ang Cardinal sa kanyang pagiging makakalikasan dahil ito’y dalubhasa sa iba’t ibang uri ng matatandang puno, kaya ninanais niyang maipalaganap ang pagtatanim ng mga ito upang makatulong sa pagpapanatili ng ating nag-iisang tahanan.

Hunyo 24, 2021 nang italaga si Cardinal Advincula bilang ika-33 Arsobispo ng Maynila sa pangunguna ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 4,765 total reads

 4,765 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 36,040 total reads

 36,040 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 115,765 total reads

 115,765 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 209,991 total reads

 209,991 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 270,346 total reads

 270,346 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 71,247 total reads

 71,247 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top